45: Yecats Sevetse

175K 3.6K 260
                                    


Isang linggo kong pinag-isipan ang mga pangyayari. Noong magbackread ako, nanghingi ako ng sign, 'di ba? Tapos nangyari 'yung '500' incident. Ang tagal ko talagang pinag-isipan na baka ang insidenteng iyon na nga ang sign. At tsaka tingin ko, ready na ako.

Noong mag-uwian, inabangan ko si Deane. Nagulat siya dahil kadalasan, siya 'yung nag-aabang saakin tuwing uwian para magpaalam.

Naipon ko na lahat ng lakas ng loob ko at saka nag-abot ng kapirasong papel sa kanya na may note: 'Ako talaga ang nakapulot sa 500 mo. –Yecats Sevetse.'

Ang tagal niyang tumitig sa sulat ko, "Sino si Yecats Sevetse?"

Saka siya tumitig saakin. At ang tagal bago niya na'realize na ang 'Yecats Sevetse' ay ang binaliktad lang na spelling ng pangalan kong 'Stacey Esteves.' Oo, isa na naman sa ka-weirduhan ko.

"Gamit kong name sa FB. Add mo ako at 'wag mong ipagkakalat." Sabi ko at bago pa siya makapag-react dahil nagsalita ako, nauna na akong tumakbo paalis.




Lovelife? Ano 'Yun? ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon