41: Heartfelt

190K 3.7K 226
                                    


Monday. Noong lunch break ulit. Iniba ko na ang routine ko. Nagbaon na ako ng pagkain para hindi ko na kailanganing magpunta sa cafeteria. Sa classroom ako kumain at never pa akong naging ganito kasaya. Solo ko ang buong lugar dahil ako lang mag-isa. Bakit ngayon ko lang naisipan 'to?

Kaso hindi rin naman nagtagal ang katahimikan. Natunton pa rin ako ni Deane. Hingal na hingal pa siya na para bang tinakbo niya ang buong school para lang hanapin ako. Tapos ang sabi niya, parang ganito: "Sabi ko na nga ba!" habol ng hininga, "Alam kong hindi ka absent kasi nakita kita kaninang flag ceremony!"

Tumigil ako sa pagkain at tinignan ko siya ng masama. Pero nakuha niya lang akong ngitian. Hindi pa ba siya nadadala?

Lumapit siya saakin tapos may iniikot niya 'yung upuan para magkaharapan kami. Humahangos pa rin siya at kahit parang pagod, hindi siya mukhang amoy-pawis.

"Alam kong hindi mo ako gusto. Alam kong galit ka pa rin sa akin." saad niya. "Pero kaya hindi ako tumitigil dahil alam kong mapapatawad mo ako. Alam ko na matatanggap mo rin ako bilang kaibigan."

Wow ha! Pinangunahan na ako!

"Ni minsan, hindi mo pa ako kinausap. Hindi mo kinikibo lahat ng taong hindi mo gusto. Pero noong sinigawan mo ako, kahit alam kong dahil 'yun sa inis, at least may progress na 'yung ginagawa ko. Kinibo mo na ako. Sign 'yun na matatanggap mo ako. Isa pa, nakita ko noon kung paano ka kinaibigan ni Mel kaya ganun din ang ginagawa ko ngayon. Seryoso ako, Stacey. Hindi kita susukuan."

Sa totoo lang, mas mahaba pa 'yung speech niya kaysa dyan sa naisulat ko. Mas heartfelt. Parang nanikip nga rin ang dibdib ko habang sinasabi niya 'yun. Hindi na ako nakapag-react talaga. Hinayaan ko na lang na sabayan niya ako ngayon.



Lovelife? Ano 'Yun? ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon