20: Long Quiz

222K 4.3K 468
                                    


May long quiz kami kanina. Test 1, multiple choice. Test 2, identification. Test 3, enumeration. Test 4, essay. Sisiw lang yung test 1, 3 and 4 pero medyo na-blangko ako sa identification kaya tumingin muna ako sa bintana para tumanaw sa langit at makapag-isip.

Napansin ko 'yung reflection ni Deane sa may salamin. May itsura rin pala siya kapag seryoso at nag-iisip. Para sa isang lalaki, ang feminine ng dating ng mata at labi niya. Kaya pala minsan kapag nakikita ko siyang ngumiti, hindi ko masabi kung gwapo o maganda ba siya. Ang tangos din pala ng ilong niya. Nainggit naman daw ako!

Naiintindihan ko na 'yung sinasabi saakin ni Mel na marami talagang nahuhumaling kay Deane.

Kaso bigla siyang napalingon sa direksyon ko! Buti na nga lang hindi halatang nakatingin ako sa kanya! Sa langit naman kasi talaga ako nakatanaw eh. Pramis!

Pero bakit siya lumingon saakin? O baka imagination ko lang? Dahan-dahan akong tumingin ulit sa direksyon niya. Nagkatinginan na talaga kami tapos nginitian niya lang ako at muli na niyang itinuloy 'yung test namin.

Hala! Na-mental block tuloy ako sa quiz!


Lovelife? Ano 'Yun? ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon