19: Sorry

224K 4.4K 457
                                    


Kahapon minalas ako pero ngayon bumawi ang swerte. Sa wakas, natirahan na ulit ako ng potato chips!!! Ang tagal ko ring hindi nalasap ang sarap at alat nito, lalo na 'yung lutong sa bawat kagat!!! Hmmmm!!! OA ko na! Pero ganun talaga siya kasarap kaya nga favorite ko 'to.

Kaso, nakakahiya dahil nakita ni Deane ang reaction ko. 'Yung mukha kong akala mo nag-champion sa isang contest tapos potato chips 'yung trophy. Yumuko na nga lang ako at nagmadaling umalis kaso pinigilan niya ako. At nag-sorry siya.

Siya pala 'yung nakatama ng bola saakin kahapon. Napunta raw kasi sa kanila 'yung bola ng volleyball. Eh nung tinira niya pabalik, saakin tumama! At hinimatay pala ako noong tinamaan ako ng bola. Akala ko si Mel lang ang sumama saakin pero si Deane pala ang bumuhat saakin papunta doon sa infirmary.

Tinanggap ko 'yung sorry. Tapos bigla na lang niyang sinabi na hindi na niya ako uubusan ng potato chips tuwing recess. Doon ako mas natuwa. Kaso biglang nag-'Ayieeeeh' na naman si Mel. Parang timang talaga ang babaeng 'yun.


Lovelife? Ano 'Yun? ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon