82: Ara's Best Friends

161K 3.2K 191
                                    


Monday na ulit. Balik na dapat sa normal ang lahat. Kaso hindi. Hindi ko nakita kaninang flag ceremony si Deane kaya malamang ay absent siya. Pero bakit?

Sa pila bago umakyat sa classroom, lumapit ako kay Kasper para sana tanungin kung alam ba niya kung bakit nag-absent si Deane. Kaso hindi pa man ako nakakapagsalita, nagtilian at tinukso kami ng ibang mga kaklase namin. Pinagtinginan na rin tuloy kami ng ibang mga estudyante sa paligid.

Hindi nagustuhan ni Kasper ang nangyari. Nakita kong napatingin siya sa direksyon ni Ara at saka tumingin sa akin.

KASPER: Sorry, Stacey.

'Yun lang ang sinabi niya sa akin at nauna nang umalis.




Bakit kaya siya nag-sorry kanina? Tapos pinili pa niya ngayong mapag-isa at 'wag munang sumama sa akin. Akala ko nga na mag-isa na ulit akong kakain ngayon pero inaya ako ni Ara na sumama kanya at sa mga kaibigan niyang sina Mina at Rose.

ARA: Girls, behave kayo ah! Sa atin na muna sasabay si Stacey!

Nagkatinginan muna sina Mina at Rose sa isa't isa bago sila tumingin sa akin. Magka-kaklase kami pero ngayon lang kami magkakasabay. Wrong timing pa itong si Ara dahil ngayon pa lang pala siya makakabili ng pagkain kaya kailangang maiwan ako kasama ang dalawang ito. Ang awkward.

MINA: Hindi ka talaga nagsasalita, noh?

ROSE: 'Wag kang matakot sa amin. Hindi naman kami nangangain eh!

AKO: (Napilitang ngumiti pero no comment na lang)

ROSE: Bakit nga pala hindi kayo sabay ni Kasper ngayon? May LQ kayo?

MINA: (Pasimpleng siniko si Rose pero nahuli ko 'yun)

AKO: Anong LQ? Friends lang kami.

MINA: Friends?

ROSE: Eh ano 'yung kumakalat na picture na nag-kiss kayo ni Kasper?

AKO: Nag-kiss kami? Imposible 'yun! At anong picture?

Hindi nila naipakita agad sa akin 'yung picture dahil pabalik na rin si Ara. Mamaya na lang daw ulit kami mag-usap-usap.




Sina Eliseo at mga dating kabarkada ni Kasper ang nag-share ng pictureonline. Pero nang tanungin daw nila kung kanino galing ang picture, hindi rin nila masagot. Nang tignan ko ito, walang halong duda...

AKO: Kami nga ni Kasper 'yan.

At hindi ko sila masisi kung iniisip nga nila na nag-kiss kami sa kuhang iyon. Napakamapanlinlang naman kasi ng pose namin doon! Nakatalikod si Kasper at bahagyang nakayuko na halos katapat na ang mukha ko. Sakto pa na nakahawak din siya sa pisngi ko pero ang nagpalala ay ang epic kong pikit-matang expression.

ROSE: So ano ba talaga ang totoo rito?

AKO: Napuwing ako at hinihipan niya lang ang mata ko. Hindi kami nag-kiss dyan.

At hindi ko naman ini-expect na maniniwala sila sa akin dahil hindi naman kami close, pero pareho kong naramdaman ang pag-comfort nila sa likod.

MINA: Sabi ko na nga ba! May valid explanation sa picture na 'to!

ROSE: May idea ka ba kung sinong may posibleng gawa nito? Dapat maturuan ng leksyon ang mga nagpapakalat ng mga ganitong malisyosong picture!

May idea ako. Isang tao lang naman ang naroon noong maganap ang eksenang 'yan. Si Amanda! Pero dahil wala akong ebidensya, hindi ko sinabi sa kanila. Isa pa...

AKO: Ayoko ng away. Wala akong pakialam sa taong gustong manira sa akin.

Tapos bigla akong naluha sa harap nila. Kanina ko pa 'yun pinipigilan pero hindi ko na talaga kinaya.

AKO: Ang gusto ko lang magkaayos kami ni Kasper. Kaya siya umiiwas dahil sa issue na 'to. Magkaibigan lang kami at tsaka si Ara naman talaga ang gusto niya.

MINA & ROSE: Ano!?

MINA: OMG! Talaga?

ROSE: Gosh! Nakakakilig ang revelation na 'to!

Natigilan ako ng mga five seconds. Tapos... ay shet! Lalo akong napaiyak. Ang tanga ko! Ako na 'tong tahimik na tao pero shunga sa pagtatago ng sekreto!

AKO: Waaaaaah! 'Wag niyong sasabihin kay Ara, please! Baka lalong magalit sa akin si Kasper

MINA: Ano ba! Okay lang na nalaman namin!

ROSE: Oo nga!

Saka sila nagtinginan habang may kilig pa rin sa mga itsura nila.

MINA: May gusto rin si Ara kay Kasper!

ROSE: Kapag pinaglapit natin ang dalawang 'yun, siguradong mabubura na rin ang issue ninyo!

Magaling silang magplano at nagustuhan ko naman ito. At dahil nga sa nangyari ngayong araw, nadagdagan yata ang mga kaibigan ko sa katauhan nina Mina at Rose.



Lovelife? Ano 'Yun? ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon