40: Nanliligaw

185K 3.6K 219
                                    


Grabe na si Deane. Sinunod-sunod na niya ang pamemeste saakin tuwing recess. Wala nang silbi ang pagtakbo ko dahil sinusundan na rin niya ako! Akala tuloy ng mga tao, naglalaro lang kami ng habulan.

Pero kanina noong lunch, hindi na talaga ako nakapagtimpi pa. Ilang araw na akong hindi nakakakain ng matino dahil sa kanya kaya nang tabihan niya ulit ako, napatayo na ako at sinigawan ko siya, "HINDI KITA GUSTO!!!"

Ang tanga! Ang tanga-tanga ko! Ang dami namang ibang linya na pwede kong sabihin pero 'yun na ang lumabas sa bibig ko. Hindi ko na mababawi!

Ang masaklap lang, sa sobrang lakas ng boses ko, narinig ito ng lahat ng tao sa cafeteria, "Nanliligaw sa kanya si Deane!?"

Shet na malagket talaga! Nagpanic na rin ako at ang tanging nasabi ko na lang sa kumag, "TANTANAN MO NA AKO!!!" Saka ako nag-walkout. Sa CR na ako ng babae nagkulong para hindi na siya makasunod.

Pero gusto ko nang magpalibing ng buhay! Nakakahiya talaga! Buong school tuloy, iniisip ngayon na binasted ko ang prinsipe nilang si Deane!


Lovelife? Ano 'Yun? ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon