66: Bad Influence

161K 3.1K 118
                                    


Hanggang ngayon, bumabagabag pa rin sa akin ang usapan ng mga bruhilda kahapon sa CR.

Bakit kaya bumaba ang scores ni Deane sa exam? Dahil ba sa madalas niyang pagsama sa akin? Pero nakita ko naman siyang nagre-review noon. O nakapag-review nga ba siya ng maayos?

Bad influence nga ba talaga ako? Tulad ba ito ng hindi niya rin pagtakbo sa Student Council dahil ayaw niyang maiwan akong mag-isa?

Ayaw kong magpaka-negative pero hindi ko maiwasan na ganun ang maramdaman. Parang totoo kasi. Minamalas ang mga taong nagiging malapit sa akin.

Noong una, namatay si Mel dahil sa pagtulong niya sa akin. Tapos ngayon, may issue na naman kay Deane! Pinaka-matalino siya sa batch namin kaya kataka-taka nga naman kung bakit nagsibabaan ang scores niya sa exam. Ngayon lang talaga nangyari ito—ngayon kami na ang magkasama.

Pati pala si Kasper na kamakailan lang naman namin naging kaibigan, pinupuntirya na nila ng mga intriga.

Mukhang kahit anong gawin ko, hindi magiging tahimik ang high school life ko. Mas okay nga siguro kung ako na lang ulit mag-isa para hindi na nadadamay ang mga kaibigan ko. Hay! Malas! Ang malas ko!


Lovelife? Ano 'Yun? ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon