128: Hindi Na Ako

129K 2.1K 245
                                    


Monday na ulit. Tapos na ang suspension ko. Gustuhin ko mang um-absent, hindi naman ako pinayagan nina Mama at Papa.

Pumasok ako ng maaga sa pagbabaka sakaling mauna ko ring makita si Deane. Gusto kong humingi ng tawad sa ginawa kong pagsusungit sa kanya noong dumalaw siya. Kaso pagdating ko roon, wala pa siya. May 30 minutes pa bago ang flag ceremony.

Habang naghihintay sa mga kaibigan ko, biglang may malakas na humila sa buhok ko. Paglingon ko, apat na babae sila na kabarkada ni Amanda. Agad nila akong pinalibutan.

"Bakit pumasok ka pa?"

"Sa ginawa mo kay Amanda, may gana ka pang ipakita ang pagmumukha mo?"

'Yung pinakamatangkad sa kanila ang tumulak sa akin para mapaupo ako sa lupa. Babangon sana ako pero tinapakan nila ang palda ko para manatili akong nakaluhod sa harap nila.

"Kulang pa ang one week suspension mo!"

"Ang masamang damo talaga, mahirap alisin. Kaya dapat sa 'yo tinatapak-tapakan!"

"Pero girls, baka itulak rin tayo ng babaeng 'yan sa hagdan."

"Dapat ikaw na lang ang nahulog at hindi si Amanda!"

Napakuyom na lang ang mga palad ko sa mga pinagsasabi nila. Hindi ko sila masisisi kung ganituhin nila ako dahil pinagtatanggol lang nila ang kaibigan nilang si Amanda. Nagbingi-bingihan na lamang ako. Alam ko rin naman na matatapos din 'to.

Hindi ko lang inaasahan na may darating para tulungan ako. Isang boses ng babae ang nangibabaw, "Stop that!"

Napalingon kami at nakita namin si Amanda. Nakasaklay siya at naka-cast pa ang kanang kamay. Kasama niya rin si Deane na nakaalalay sa kanya. Lalapitan sana ako nito kaso kamuntikan namang matumba si Amanda kaya wala siyang nagawa kundi balikan ito.

Sabay na silang naglakad patungo sa amin. Habang papalapit sila, may nakita akong bago sa expression ng mukha ni Deane. Madilim ito. Nakakatakot. Galit siya at ang sama ng tingin niya sa mga classmates nila, "Ano sa tingin niyong ginagawa niyo sa kanya?"

Hindi nakasagot 'yung apat. Tingin ko nagulat din sila na makita ang side na iyon ni Deane. Napaatras na nga lang sila at sa lupa na lang nakatingin.

Pero ang isa pang hindi ko ini-expect, na pagsasabihan din ni Amanda ang mga kaibigan niya, "Ayos na ang problema namin. Bakit niyo pa ginagawa 'to."

"Pinagtatanggol ka lang namin, Amanda."

"Hindi ko sinabing gawin niyo 'yun, kaya pwede ba? 'Wag niyo siyang sisihin at 'wag niyo na siyang aawayin pa!"

Dismayado ang mga kaibigan niya. Umirap na lang ang mga ito at nag-alisan na.

Matapos 'nun ay nakangiting tumingin na sa akin si Amanda. Pinatayo niya ako at siya pa mismo ang nagpagpag ng alikabok sa uniform ko, "Okay ka lang, Stacey?"

Isang tango lang ang naisagot ko.

"Don't worry, hindi ka na nila aawayin pa dahil kung hindi, kasama na rin ako sa makakaaway nila." Saka siya tumingin kay Deane na parang batang naghihintay na purihin siya nito.

Sa ngayon, nagtatalo ang isip at puso ko sa ipinakita ni Amanda. Naging mabait na ba talaga siya dahil sa deal namin o pakitang tao lang.

Kasi gusto kong maniwala na sincere talaga ang pagtatanggol niya sa akin. Gusto kong masabi na worth it 'yung pakiramdam na parang pinipiga ang puso ko dahil siya na ulit ang nasa tabi ngayon ni Deane at hindi na ako.

TO BE CONTINUED...



Lovelife? Ano 'Yun? ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon