9: First Day-ulit

303K 5.3K 430
                                    

Ang ayaw na ayaw ko talaga tuwing first day of class ay ‘yung magpakilala sa buong klase. At sinadya ko pa man ding umupo sa pinaka-likod para ako ‘yung huling magsasalita pero sabi ng adviser, “Let’s start from the back.”

NOOOOOOOO!

Tinginan silang lahat saakin. Feeling ko matutunaw na ako. Pero wala naman akong choice kundi magpakilala na, “My name is Stacey Esteves.” Yun lang ang sabi ko sabay upo.

Kaso may epal akong kaklase na biglang nagtaas ng kamay sabay tanong,  “Transfer ka? From what school ka galing?”

Napayuko ako. Shet! Nakakahiya talaga ‘yun! Pero sinagot ko siya na tiga-dito lang din ako pero galing nga lang sa last section noong first year and second year. Pagkasabi ko ‘nun, syempre hindi sila makapaniwala. Tapos kanya-kanya pang bulungan, eh naririnig ko rin naman!

Baka raw may kapit ako, o kaya binayaran ‘yung mga teachers, o kaya nagkamali lang ng computation sa grades. Tingin yata nila, dahil galing sa last section ay bobo na.

Hay! Namiss ko bigla ‘yung mga classmates ko dati. Kahit na puro lovelife ang usapan, at least hindi naman mayayabang.

Lovelife? Ano 'Yun? ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon