92: Heart

155K 3.1K 436
                                    


Pasensya na, ang tagal kong hindi ulit nakapagsulat. Project week kasi kaya buhos effort ko para tapusin agad ang mga ito. Anyway, kapag ganitong gawaan din ng project mas masaya at malaya ang mga estudyante dahil maluwag ang mga teachers. Sa ganitong panahon, madalas kang makakakita ng mga estudyanteng wala sa sarili nilang klase. For example, si Deane.

Dito sa room namin trip niya gumawa ng projects. Sama-sama kami sa isang sulok at sa sahig pa naka-pwesto.

MINA: Sino pang may extra construction paper dyan? Pahingi naman.

ROSE: Paabot naman ng glue, please.

ARA: Hala, bakit nawawala na naman 'yung pentel pen ko?

KASPER: (Sumigaw sa buong klase) Oy! Mamatay na nagtago ng pentel pen ni Ara! Ilabas niyo 'yan!

DEANE: Paano ba 'yan, pards. Naupuan mo lang 'yung pentel pen niya oh.

KASPER: Anak ng!

Ang ingay at ang gulo nila, promise. Kaya hindi sila agad natatapos sa mga projects nila. Ako, tahimik at focus lang. Sa katunayan nga, isang project para sa isang subject na lang ang kailangan kong tapusin.

DEANE: Yow Yecats Sevetse! Nanahimik ka na naman?

AKO: Tsk. 'Wag kang magulo ha. (May ginugupit akong shape ng heart sa papel)

DEANE: Last project mo na 'yan, 'di ba? Tulungan mo ako pagkatapos ah.

AKO: (No comment)

DEANE: Oy! Sige na! (Sinundot-sundot ang pisngi ko) Yecats! Yecats!

AKO: Ayan! Paleng tuloy ang gupit ng heart ko! (Tinignan ko siya ng masama)

DEANE: Galit agad? Oh, sa 'yo na 'tong puso ko.

AKO: (Napatitig sa bigay niya) Gusto ko pink.

DEANE: Blue lang meron ako eh. (At sabay ngiti)

AKO: (Napailing na lang at tinalikuran ko siya)

Kapag ganitong nasa momentum ako ng ginagawa ko, hindi talaga ako basta-bastang nagpapa-istorbo. Ang mantra ko nga, "Pabayaan mo lang si Deane. Pabayaan mo lang si Deane. Pabayaan mo lang si..."

DEANE: (Bigla na lang sumandal sa likod ko)

AKO: What the... (Pinausog ko siya)

DEANE: (Hindi nagpatinag)

AKO: (Siniko ko na rin)

DEANE: (Nanadya pa lalo at isinandal na pati ang ulo niya sa balikat ko) Ito na oh. (Biglang nag-abot ng panibagong heart) Pink na 'yan ah.

Na-amaze ako kasi maayos ang pagkakagupit niya at ang ganda pa ng shape! Mapapangiti na sana ako kaso sinulatan niya ng 'From Deane' sa may pinakagilid! Napahampas na lang ako sa braso niya pero tinawanan lang ako ulit.

Ang kulit talaga. Pero sa huli, ginamit ko na lang din ang heart na bigay niya. Hindi naman siguro mahahalata 'yung sulat.



Lovelife? Ano 'Yun? ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon