160: Prom Night

163K 2.7K 428
                                    


1. Hello journal! Pasensya na kung hindi ako masyadong nakagpasulat nitong mga nakaraang araw. Puro practice lang din naman kasi ang ginawa namin. Pag-uwi ko pa sa bahay, pagod na pagod na ako at wala na halos lakas.

But guess what, February 13 na ngayon. Today is the day na gaganapin ang senior prom!

May surprise gift sa akin si Mama na beauty treatment. Nagpa-spa ako at kumpleto na ang manicure, pedicure, hair and make-up ko! Syempre, hindi rin nagpahuli si Papa dahil ang regalo naman niya sa akin, siya ang nagmistulang driver at personal alalay namin! Nagulat nga rin ako dahil siya rin mismo ang nagpick-up sa boutonniere na ibibigay ko kay Deane mamaya.


2. Hapon na nang makabalik na kami ng bahay. Excited na ako sa huling gift nila sa akin... ang aking gown!

Ang totoo, hindi ko pa nakikita o nasusukat ang gown ko. Pero kampante naman ako na walang magiging problema roon dahil si Mama kaya ang nag-design at gumawa nito para sa akin. Tiwala ako sa fashion sense ng nanay ko at sigurado rin naman akong kabisado niya ang hulma ng katawan ko.


3. Dumating na si Deane na hinatid ng isang sosyaling sasakyan. Dahil hindi pa ako tapos magbihis, si Papa na muna ang sumalubong sa kanya. Pinagsabihan siya ni Mama na 'wag tatakutin si Deane.


4. Kumpleto na ang aking full transformation. Suot ang pink ball gown na gawa ni Mama, pakiramdam ko isa na akong bidang character mula sa isang fairytale. Walang pagsidlan ang saya ko dahil higit pa ito sa ini-expect ko.


5. Hindi ko rin ini-expect ang reaksyon nina Papa at Deane nang magpakita na ako sa kanila. Parang timang si Papa, bigla na lang naging emosyonal at nag-iiyak. Hindi niya matanggap na dalaga na raw talaga ako. Kung hindi pa siya binatukan ni Mama, hindi pa siya titigil sa pagda-drama niya. Si Deane naman... hmmm, paano ko ba ide-describe ang naging reaksyon niya? Basta nakakatawa!

AKO: Ang gwapo mo, Deane.

DEANE: Ikaw rin-I mean... (Napaubo bigla) Ang ganda... ang ganda-ganda mo.

AKO: (Natawa) Thank you.

DEANE: (Naglabas na ng corsage) May I?

Pink roses ang corsage na dinala ni Deane para sa akin. Itinali na niya ito sa kamay ko at tumerno ito sa suot kong gown. Matapos 'nun, 'yung boutonniere naman niya ang nilabas ko na ako naman mismo ang nag-pin sa suot niyang tuxedo. Bumagay rin ito sa kanya.


6. Syempre, hindi kami agad nakaalis dahil nagwantusawa muna sa pagkuha ng pictures namin si Mama. Dakilang fan lang daw namin talaga siya.


7. Sa Fabelous Hotel ang venue ng prom. Nagtext na sa amin sina Kasper na naroon na raw sila at kami na lang ang kulang sa grupo.

DEANE: Yecats, handa ka na ba?

AKO: (Ngumiti at tumango)

DEANE: Buti ka pa. Ako kasi, hindi pa.

AKO: Bakit naman?

DEANE: Ang ganda-ganda mo kasi. Sigurado ako maraming titingin sa'yo. Pahihirapan mo ako sa pagbabantay.

AKO: Sira! (At nahihiyang natawa na lang din)


8. Pagdating sa entrance ng hotel, sa may grand hall na agad ang tungo namin. Para kaming mga artista na pinaglakad sa red carpet at sinalubong din ng mga photographers. Nakaka-awkward lang sa dami ng tao. Idagdag pa ang kaba ko na baka matapilok dahil sa suot kong high heels.

Lovelife? Ano 'Yun? ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon