77: Moses

157K 3.2K 213
                                    


Papasok pa lang ako sa school kanina nang biglang may gumulat sa akin at akbayan ako nito. Halos atakihin ako sa puso dahil akala ko holdaper na pero...

KASPER: Good morning, Stacey!

Si Kasper lang pala! Sira ulong 'to! Hindi pa ako nakapag-react dahil nanigas na ang buong katawan ko at nakiliti sa bandang balikat. Nagmukha tuloy akong robot na straight lang ang paglalakad habang nakasabay at nakaakbay pa rin siya sa akin.

KASPER: Guess what? Magkausap kami ni Ara buong araw kahapon! (Kalalaking tao pero kilig na kilig ito)

AKO: Nanliligaw ka na ba?

KASPER: Hindi pa eh. Hindi ako makahanap ng tyempo para sabihin sa kanya! Pero thank you talaga sa 'yo.

AKO: Ano namang ginawa ko?

KASPER: Kasi kung wala ka, hindi siya mag-aaya ng lakad noong Sabado at hindi ko siya makakasama ng buong araw! Alam ko na rin kung saan siya nakatira! At mas naging close pa kami ngayon! Hahaha!

May tawang nakakahawa si Kasper. Tipong dahil masaya siya, sasaya ka na rin. At magandang simulan ang araw na ganito kaya nakipagtawanan ako sa kanya.

Laking gulat lang namin nang biglang may pwersang pumagitna sa amin. Para kaming dagat na pinaghiwalay ni Moses! At ang Moses na iyon ay walang iba kundi si...

KASPER: Takte ka, pards! Uso ang mag-excuse me!

DEANE: Excuse me.

KASPER: Bakit ba nanghahawi ka?

DEANE: Ang aga-aga, ang ingay mo kasi.

Sa kabilang gilid ko na lang sana pupunta si Kasper kaso hinarangan lang siya ni Deane. Magpupumilit pa rin sana itong tabihan ako pero sapilitan na lang inakbayan ni Deane si Kasper. PDB alert! Mabuti na lang at kahit may ibang gusto si Kasper, hindi pa rin nawawala ang spark sa pagitan nila! Mwahaha!

KASPER: Ano ba? Bakit ba ang epal mo?

DEANE: 'Wag ka nang maghanap ng iba. Nandito naman ako. (At hinigpitan pa nito ang pag-akbay kay Kasper)

KASPER: Ahh... ahhh! Ang leeg ko!

DEANE: Sheesh! Itikom mo 'yang bibig mo, pards! (Saka pa lang siya humarap sa akin at nakangiting bumati) Good morning, Yecats.

AKO: (Napangiti na rin) Good morning.

As usual, laughtrip na kakulitan, bangayan at nakakakilig na PDB moment ang simula ng araw ko dahil sa kanilang dalawa.



Lovelife? Ano 'Yun? ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon