Dear Ex-Boyfriend

By Alesana_Marie

13.3M 351K 55.8K

Read Dear Future Boyfriend first para di ma-spoil. :) *Nin's Story* [Completed] More

Copyright
Entry #1
Entry #2
Entry #3
Entry #4
Entry #5
Entry #6
Kean
Entry #7
Entry #8
Entry #9
Entry #10
Janin
Entry #11
Entry #12
Entry #13
Kean
Janin
Dylan
Kayleen
Kayleen
Janin
Janin
Janin
Kayleen
Janin
Kean
Dylan
Janin
Janin
Janin
Janin
Janin
Janin
Dylan
Janin
Kayleen
Kean
Dylan
Janin
Kean
Dylan
Janin
Janin
Dylan
Janin
Janin
Dylan
Dylan
Kayleen
Kayleen
Janin
Kean
Janin
Dylan
Leon
Dylan
Janin
Janin
Dylan
Robin
Janin
Dylan
Leon
Leon
Dylan
Dylan
Dylan
Kayleen
Janin
Dylan
Janin
Dylan
Janin
Janin
Janin
Dylan
Janin
Dylan
Janin
Janin
Janin
Dylan
Yohan
Janin
Janin
Janin
Kayleen
Kayleen
Dylan
Janin
*Janin
*Janin
*Janin
*Janin

Janin

103K 3.3K 334
By Alesana_Marie

Janin



Naglakad na ako palabas ng bahay. Hindi ko nagawang mag-paalam kina Mama at Papa. Hahayaan ko nalang na si Gio ang magpaliwanag sa kanila. Gusto ko nang umalis sa party na ito. Baka may mangyari na naman katulad kanina. Ayokong makita ulit ng mga pinsan ko.


Sana bilisan ni Gio ang pagtawag kay Oliver para naman makabalik na ako sa bahay nina Kayleen.


Natigil ako sa paglalakad nang makita ko ang isang babae na papasok sa loob ng bahay. Awtomatikong nanigas ako sa kinatatayuan ko. Si Shelly. Isa rin sya sa mga pinsan ko. Nakatatanda syang kapatid ni Lia. Nakasuot sya ng maiksing black dress na halos wala nang itinago sa katawan nya. Mukhang galing sya sa isang pang party. Naamoy ko ang alak sa kanya na pilit nyang itinago gamit ang pabango.


"Oh, look at you," nakangiti nyang bati sa akin. Walang ipinagkaiba ang tingin nya sa akin sa tingin ng isang ahas sa kanyang pagkain. "It's true na nagbalik ka na nga. Ayoko pa sanang maniwala sa text ni Savanah but here you are, Janin. In the flesh. Buhay ka pa pala."


Pinilit kong pakalmahin ang sarili ko. Nandito parin ang epekto nya sa akin. Sa tuwing makikita ko sya, nakakaramdam ako ng sobrang takot. Simula bata palang kami, kinamumuhian na nya ako. Madalas syang gumawa ng kwento noon para mapagalitan ako ng Mama nya. O di kaya naman ay gumagawa sya ng mga bagay na nakakasakit sa iba at ibibintang sa akin pagkatapos. Iba ang level nya sa ibang pinsan namin.


Hindi ko mahanap ang boses ko. Pinilit kong igalaw ang mga paa ko para lagpasan sya. Pero hindi nya yata ako titigilan hanggat hindi nakikita ang umiiyak kong mukha katulad noon. Hindi ko alam kung bakit ang laki ng galit nya sa akin. Dahil sa kanya kaya naman pati ang kapatid nya at iba pa naming pinsan ay malakas ang loob na gawin sa akin ang kahit anong magustuhan nila.


Hinawakan nya ako sa braso at pilit pinaharap sa kanya. Tinignan nya ako gamit ang malalamig nyang mga mata. Nanigas ang mga tuhod ko. Pakiramdam ko anumang oras ay matutumba ako.


"My, my. How brave. Kaya mo nang tumalikod sa akin ngayon, Janin? Matapang ka na nga."


Pinalis ko ang kamay nyang nakahawak sa akin. Humakbang ako papalayo sa kanya. Tinignan nya ako mula ulo hanggang paa. Tumawa sya nang makita na hindi ko suot ang sapatos ko. Hawak ko iyon sa isa kong kamay.


"Well, Savanah did a great job. Is it painful?" natutuwa nyang tanong.


"Ano ba ang kailangan mo sa akin?" tanong ko.


"You know what I want, Janin." Lumapit sya sa akin at hinaplos nya ang pisngi ko. "I want you to disappear." Hinawakan nya nang mahigpit ang isang braso ko. Dumiin ang mga kuko nya sa balat ko. Nag-iba ang tingin nya sa akin, napuno na iyon ng galit. "Don't ever show your disgusting face to me ever again. If you do, I'll seriously kill you."


Kinilabutan ako sa mga sinabi nya. Malakas ko syang itinulak palayo sa akin. Nagawa kong makawala sa pagkakahawak nya. Sa lakas ng pagkakatulak ko at dala ng kanyang kalasingan, nawalan sya ng balanse at napaupo sa sahig.


Sandali syang nagulat sa nangyari. Hindi makapaniwalang tinignan nya ang sarili nya habang nakaupo sa sahig. Mabilis syang tumayo.


"Bitch!" nanlilisik ang kanyang mga mata habang nakatingin sa akin.


Napaatras ako nang sugurin nya ako. Tinakpan ko ng mga braso ko ang mukha ko nang makitang sasampalin nya ako. May tumama sa akin na malaking bagay at naramdaman kong may pumulupot sa katawan ko.


Nang buksan ko ang mga mata ko, nakita ko ang puting button down shirt ng taong yumakap sa akin. Sya ang sumasalo sa pananakit ni Shelly na patuloy sa pagwawala.


"How dare you! Bastarda ka lang!" sigaw ni Shelly. "I'll show you! Bitch!"


"Shelly!" narinig ko ang sigaw ni Gio. "Shelly! Enough! Tumigil ka na!!"


Nawala ang paghampas ni Shelly sa lalaking pumoprotekta sa akin. Nakita ko si Gio na nakayakap sa likod ni Shelly at pilit itong pinipigilan na lumapit sa akin. Namumula ang mukha ni Shelly habang nanlilisik ang mga matang nakatingin sa akin. Unti-unti na rin syang nahuhubaran dahil sa pagwawala nya.


"Let go of me! I'm going to kill that bitch! Let me go!!!"


"Oh God! What is happening here?" tinig ng isang babae.


Unti-unti kong narinig ang pagdating ng ibang tao sa kinaroroonan namin. Unti-unting lumayo sa akin ang lalaking nakayakap sa akin. Tinignan ko kung sino sya, laking gulat ko nang makita ko si Kean. Bakas ang pag-aalala sa mukha nya. Napadako ang tingin ko sa mahaba at mapulang guhit sa kaliwa nyang pisngi.


"Are you okay?" tanong ni Kean sa akin.


Hindi ko magawang mag-salita. Tumingin ako sa mga taong saksi sa nangyayari ngayon. Lahat sila ay nalilito sa nangyayari at halos di makapaniwala sa nakikita. Nasira na naman ang party nina Mama at Papa dahil sa akin.


"Shelly!" tawag ni Lola gamit ang ma-awtoridad nyang boses.


"Lola!" tumakbo si Shelly papunta kay Lola. "Lola, she pushed me—"


Isang malakas na sampal ang dumapo sa pisngi ni Shelly na muntik na nyang ikatumba. Napuno ng katahimikan ang paligid.


"L-Lola..." naiiyak na sambit ni Shelly.


"Cecil!" tawag ni Lola sa ina ni Shelly.


"Mama." Lumapit ang nag-aalalang si Tita Cecil.


"Iuwi mo na ang anak mo. Amoy alak sya," iyon lang at umalis na si Lola pabalik sa party.


Nilapitan ni Tita Cecil si Shelly at hinawakan sa braso. Nakita ko ang galit sa mukha ni Tita. Si Shelly naman ay tulala parin dahil sa sampal sa kanya ni Lola. Lumabas silang dalawa ng bahay. Di kalayuan ay nakita ko si Mama na papalapit sa akin.


"Janin, anak..." sabi nya nang makalapit sa akin. Ikinulong nya ako sa mahigpit nyang yakap. "Sshh... It's okay."


***


Dahil sa nangyari, pinayagan ako ni Mama na hindi matulog sa bahay nila. Siguro iniisip nya na mas magiging komportable ako na mapalayo muna sa mga pinsan ko.


Nasa loob ako ng sasakyan ni Kean. Katabi ko sya sa backseat. Nagulat kaming lahat nang mag-insist si Kean na ihatid ako sa bahay na tinutuluyan ko. Noong una ay ayaw pumayag nina Mama at Papa pati na rin si Gio. Pero sa huli ay nakuha rin ni Kean ang permiso nila.


Naguguluhan ako sa kilos ng lalaking kasama ko. Hindi ko sya kilala pero bakit parang kaibigan na kaagad ang turing nya sa akin? Para tuloy kaming matagal nang magkakilala. Tinanong pa ako ni Mama kung kilala ko na ba dati pa si Kean. Napaka-misteryoso nyang tao.


Kanina, bakit nya ako pinrotektahan kay Shelly?


Nilingon ko sya sa tabi ko. Sinilip ko ang mukha nya. Nandoon parin ang mahabang linya sa pisngi nya. Marahil ay nakuha nya iyon mula sa kuko ng pinsan ko.


Naramdaman nya siguro ang titig ko sa kanya kaya napatingin sya sa akin. Umiwas ako ng tingin pero nahuli na nya akong nakatingin sa kanya.


"Are you cold?" tanong nya.


"Hindi," sagot ko. Tinignan ko sya. "Sumasakit ba ang pisngi mo?"


Ngumiti sya. "Wala 'to."


Nakita ko na naman ang ngiti nya. Ang saya nya, nasaktan na nga sya. Masokista ba sya?


"Hindi mo na dapat ginawa 'yon. Nadamay ka na sa gulo namin, nasaktan ka pa," sabi ko sa kanya. Tumingin na ako sa labas ng bintana. Malapit na kami sa bahay nina Kayleen. Ilang kanto nalang at makakauwi na ako.


"If it means I could protect you from the pain, then I don't mind getting hurt in your stead."


Napalingon ako ulit sa kanya. Nagulat ako sa sinabi nya. Sino ba talaga ang taong ito? Sa mga kilos at salita nya parang kilalang kilala na nya talaga ako. Wala namang tao na poprotektahan ang isang taong di nya kilala. Marahil meron nga na ganong nilalang sa mundong ito. Pero... artista si Kean. Hindi ba at trabaho rin nila na umiwas sa kahit na anong gulo na maididikit sa pangalan nila? Hindi ba nya iyon naisip nang bigla syang humarang sa amin ni Shelly?


"Kilala mo ba ako?" tanong ko sa kanya.


Nagbigay sya nang makahulugang ngiti. "I want to know you more."


"Alam mo walang magandang maidudulot sa buhay mo ang pakikipaglapit sa akin. Gulo lang ang dala ko." Gulo, sakit, kamalasan at kasiraan ng pamilya. Sinalo ko na yata lahat.


Naramdaman kong huminto ang kotse. Nakita ko ang gate ng subdivision. Kausap ng driver ang security. Ilang sandali pa ay muling umandar ang sasakyan.


"Paano mo nasabi?" usisa nya. Hindi parin sya sumusuko.


"Kasi lahat ng tao sa paligid ko, nasasaktan. Magulo ang buhay ko. Kung gusto mo ng kaibigan, marami naman iba dyan."


"Pero ikaw ang gusto ko..."


"A-Ano?"


"I mean," huminga sya nang malalim saka ako tinitigan nang mataimtim. "I want to be closer to you, is that okay?"


Tumigil ang sasakyan sa harap ng gate ng bahay nina Kayleen. Binuksan ko ang pinto sa tabi ko at lumabas ng sasakyan. Lumabas din si Kean sa kotse at tila hinihintay ang sagot ko sa kanya.


Sa dami ng kakaibiganin ng artistang ito, ako pa ang napili nya. Ano ba ang nakita nya sa akin at gusto nyang mapalapit sa akin? Hindi ba nya alam na delikado? Magulo ang sitwasyon ko. Magulo ang buhay ko. Magulo ang pamilya ko. Hindi ba sya natatakot na mahigop sa kaguluhan na iyon? Hindi ba sya natatakot para sa sarili nya? Paano kung madamay pa sya? Hindi ba nya naisip 'yon?


Naglakad ako palapit sa gate. Hindi iyon naka-lock. Hinarap ko si Kean at ibinigay sa kanya ang sagot ko.


"Sorry, pero mas mabuti pa kung sa iba ka nalang makikipagkaibigan. Salamat sa paghatid sa akin at sa ginawa mo kanina. Pero please, sa susunod na makikita mo ako sa ganoong sitwasyon, hwag mo na akong protektahan. Madadamay ka lang. Isipin mo rin ang sitwasyon mo, artista ka. Mag-ingat ka sa pagpili ng kakaibiganin mo. Salamat sa paghatid."


Nawala ang ngiti nya sa labi. Lumamlam ang kislap sa mga mata nya. Nakaramdam tuloy ako ng guilt. Kinonsensya ako bigla. Tumalikod na ako at itinulak pabukas ang gate.


"You can always lean on me, Janin," aniya. Bumalik ang sigla sa boses nya. "Always remember that. I'll see you soon, good night."


Nang lingunin ko sya, nakapasok na sya sa loob ng sasakyan nya. Umandar ang kotse at nawala na ito sa paningin ko.


Yung sinabi nya... parang pamilyar. May isang tao nang nagsabi sa akin non. Kung sino at kailan, hindi ko na matandaan.



Continue Reading

You'll Also Like

19.6M 578K 81
On her 18th birthday, Claret finds out that her destiny is to be a healer in Nemetio Spiran, a vampire world where all is not as it seems. ...
7.4M 202K 42
Rogue Saavedra, the arrogant city's young billionaire, becomes stranded on an unknown island. There he meets an illiterate jungle woman, Jane, who is...
13.3K 1.2K 27
Masayang nagsusulat si Venny sa Wattpad. Everything was going well for her hanggang sa nilamon siya ng inggit at ninais na maging sikat na manunulat...
32M 775K 136
Published by VIVA PSICOM <3 Now available in bookstores! *Kayleen's Story* Next book: Dear Ex-Boyfriend [Completed]