Leon

91.9K 2.8K 308
                                    


Leon

Two and a half years ago



Sa tapat ng isang coffee shop na malapit sa lake tumigil ang motor na sinasakyan ni Leon. Matagal na rin siyang hindi nakakapunta sa lugar. Malapit ito sa dating highschool na kanyang pinapasukan noon. Ngunit simula nang tumuntong siya sa kolehiyo ay natigil na ang pagpunta niya rito.


Tumunog ang munting bell na nakasabit sa itaas ng pinto ng shop nang pumasok siya sa loob. Kaagad niyang nakita ng mga kaibigan na nakaupo sa tabi ng salamin na bintana. Nababalot ng amoy ng kape at komportableng musica ang coffee shop.


"Leon," malambing na bati sa kanya ni Millary, ang kanyang nobya.


Umupo siya sa tabi ng babae. Nasa tapat naman nila nakaupo sina Yohan at Pete. May mga tasa na ng kape at ilang pagkain sa lamesa.


"Babe, coffee?" tanong ni Millary.


"Yeah, sure," sagot niya.


Umalis si Millary para um-order. Binati naman niya ang dalawang lalaki.


"Sino'ng tinitignan ninyo?" tanong niya.


"Si Yohan, may natipuhan na babae," kwento ni Pete na tumatawa.


Napabalik ang tingin ni Yohan sa kanila.


"Hindi. Pamilyar kasi yung babae, nakalimutan ko lang kung saan ko nakita," sabi ni Yohan.


"Sino?" usisa ni Leon.


"Yung babaeng nakasuot ng puting dress. Yung nakaupo sa tapat ng bintana," sagot ni Yohan.


Tinunton ng tingin ni Leon ang tinutukoy ng kaibigan niya. Nakita niya ang babae na nakatingin sa labas ng bintana at tila may malalim na iniisip. Nakaupo ito sa single sofa at di ginagalaw ang kape na nakapatong sa lamesa sa tapat nito.


"Here you go, babe," sabi ni Millary habang inilalapag sa harapan ni Leon ang puting mug ng kape na inorder.


"Tapos na ba ang shift mo?" tanong ni Leon.


"Ten minutes nalang, babe. Saan ba tayo pupunta?"


"Sa GoBoh, may laban kami mamaya," sagot niya.


Tinawag si Millary ng kasamahan nito na nagtatrabaho sa shop nang dumating ang isang grupo ng mga lalaking customers.


Binuksan ni Leon ang cellphone at binasa ang text messages sa kanya ng iba't ibang mga babae. Manonood daw sila mamaya sa laban nila ng bilyar sa GoBoh.


"Naalala ko na!" sambit bigla ni Yohan. "Kilala ko na kung sino siya!"


Dear Ex-BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon