Kayleen

71.6K 2.3K 883
                                    




Kayleen




Hindi rin nagtagal, nag-umpisa na ang program. May ilang importanteng bisita ang nag-salita sa stage kung saan tumutugtog ang mga musicians. Naghalo ang tunog ng mga violin, cello, piano, harp at flute. Napaka-gaan sa tenga ng musika na nililikha nila.



Magkakasama kami nina Ashleen, Janin at kuya Dylan sa iisang table. Tinignan ko ang table nina Ashton. Si Gio lang ang wala roon dahil katabi niya ang mga magulang niya.



May isang lalaki na lumapit kay Janin kanina, mukhang staff ng hotel, pinapalipat siya ng table. Siguro ay pinapatabi siya sa table ng pamilya niya. Pero mariin siyang tumanggi sa alok ng lalaki.



"M-Ms. Janin," sabi ng isang babaeng nakasalamin na lumapit sa table namin.



Siya yung babae na nakikita ko na nagbibigay ng utos sa mga staff dito sa hotel. Isa siguro siyang manager dito.



"Kung maaari po ay doon kayo umupo sa seat na nakalaan sa inyo," aniya.



Tinignan ni Janin ang babae.



"Is that a request or a command, Ms Glam?"



Nakita kong biglang napangiwi ang babae. Kilala siya ni Janin?



Ah!



Sa pagkakatanda ko, dito siya noon nag-OJT. Siya siguro yung manager dito. Sa kanya siguro natuto si Janin. Kung ganon, magkakilala nga sila.



"A-a request of course, please go to your assigned seat."



"No. I'm more comfortable here," sagot ni Janin saka tumingin sa stage kung saan may nagsasalitang babaeng emcee.



Walang salita na umalis ang babae.



"Janin, okay lang ba talaga?" tanong ni Ashleen. "Baka may sasabihin sa iyo ang parents mo kaya ka nila pinapalipat."



"Kung pupunta ako roon, lalapitan lang din ako ng mga business partners nila. Hindi pa ako handa na makipag-usap sa kanila. At ayoko rin na i-entertain ang mga anak nila," paliwanag niya sa amin.

Dear Ex-BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon