Janin

176K 4.6K 342
                                    

Janin

Tapos na ang shift ko. Makakauwi na rin ako. Ilang araw nalang matatapos na OJT ko. Pagkatapos nito kailangan ko nang maghanap ng part-time job. Kailangan kong mag-ipon para may panggastos ako sa paghahanap ng trabaho pagkatapos ng college. Saan kaya?

“Totoo! Kitang kita ng dalawang mata ko. May pumasok na gwapong lalaki sa room ni Kean!” anunsyo ni Karen.

“Silang dalawa lang sa loob?” tanong ni Rochel.

“Oo. Nasa ibang room ang manager nya.”

“Sino kaya yung lalaking yon?” usisa ni Jammy.

“Kaibigan ni Kean?”

“At hindi pa sila lumalabas hanggang ngayon? Ano kaya ang ginagawa nilang dalawa?”

Iniinvite ako ng babaeng umampon sa akin na mag-dinner sa bahay nila. Celebration dahil naka-graduate na ng high school ang anak nila. Ano kayang sasabihin ko? Ayokong pumunta. Makikita ko na naman kung gaano kasaya ang pamilya nila kahit na wala ako. Makikita ko na naman ang tingin sa akin ng iba nilang kamaganak.

“Di kaya totoo yung chismis?”

“Ano yon? Ano yon?”

“Na may lover daw si Kean at lalaki daw ito?”

“WAAAAAH! Hindi pwede! Hindi pwede!”

“Pero ano naman ang gagawin ng dalawang lalaki sa isang kwarto?”

Marami.

“Baka naman may pinag-uusapan lang sila?”

Pwede.

“Hindi eh. Kahina-hinala talaga kasi ang gwapo nung lalaking pumasok.”

“Ganon ba talaga ka-gwapo yung lalaki?”

“Oo! Nakakabading sa sobrang gwapo!”

“Pero hindi parin ako naniniwala na ganon si Kean! Diba, sila ni Yna rin nakitang magkasama sa isang party? Ang sweet kaya nila don!”

“Eh syempre partner sila sa movie. Kailangan nilang maging sweet kahit sa totoong buhay eh may iba silang gusto! Parte yon ng pagiging artista.”

Ahh. Kaya wala akong hilig manood ng tv. Karamihan don puro kasinungalingan. Kahit ang mga patalastas at balita kayang imanipula ng tao.

“Gusto ko rin makita yung bisita ni Kean!”

“Ako rin! Ako rin!”

“Hindi tayo pwedeng pumunta lahat. Mapapagalitan tayo.”

Kinuha ko ang bag ko matapos kong magpalit ng damit.

“Una na ako.”

“Eh? Janin uuwi ka na?” tanong ni Jammy.

“Oo.”

“Sige ingat ha.”

“Kayo rin.”

Naglalakad na ako sa labas ng hotel nang may tumawag sa pangalan ko. Nilingon ko sya at nakita ang kaibigan ko na si Kayleen.

Lumawak ang ngiti nya nang makita ako. “Ikaw nga Janin! Ngayon ka palang uuwi?”

Tumango ako. “Anong ginagawa mo rito?”

“Si kuya kasi pinapunta ako rito sa hotel. Nandito kasi si kuya Kean. Guest sya rito sa hotel nyo.”

Kean? Sya ba yung artista na pinag-uusapan kanina nina Jammy?

“Yung VIP guest namin?”

“Wow! Kilala mo sya!” ngiting ngiti na sabi nya.

“Kung ganon, kapatid mo pala yung lalaking bisita nya ngayon.”

Nakangiti syang tumango. Sasabihin ko kaya na pinag-uusapan nina Jammy ang kapatid nya at si Kean?

“Ilang araw nalang ang OJT mo?” tanong nya.

“Tatlo nalang.”

“Kung ganon malapit ka na rin palang matapos. Mae-enjoy mo na ang summer vacation.”

“Magta-trabaho parin ako pagkatapos nito. Kailangan kong mag-ipon.”

“Maganda sana kung mag-eenjoy ka rin.”

Umiwas ako ng tingin.

“Kayleen, okay lang naman ako. Pumasok ka na sa hotel baka naiinip na ang kapatid mo.”

“Ah! Oo nga pala. Hahaha! Nakalimutan ko na. Sige, ingat ka sa pag-uwi mo.”

Pinanood ko syang tumakbo papasok sa hotel. Ang sarap siguro sa pakiramdam nang may naghihintay sa’yo. Kaibigan ko si Kayleen, pero hindi nya ako maiintindihan. Ang isang katulad nya na lumaki sa isang masaya at kumpletong pamilya ay hindi maiintindihan ang isang katulad ko. Maraming nagmamahal sa kanya, marami syang pwedeng gawin kasama ang mga taong yon.

Kahit na hindi ako mag-trabaho ngayong summer, hindi rin ako mag-eenjoy katulad nya. Huminga ako nang malalim. Ano ba ang sinasabi ko? May naghihintay din naman sa akin sa apartment ko. Sigurado gutom na sya. Ano kayang lulutuin ko ngayon?

*AN

Nakita ko sa comments sa prev chap na may nalito sa HE ni Kean. He’s actually referring to Dylan kaya He, not Yna. Pinagalitan sya ni Yuko kaya sinabi nyang ‘He’s important to me’. LOL XD

Dear Ex-BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon