Entry #11

166K 4.5K 143
                                    

Dear Ex-Boyfriend,

Ano kaya ang mga nagustuhan mo sa akin? Naging masaya ka ba noong magkasama tayo? Kung oo, bakit mo ako sinaktan? Kung hindi, bakit hindi mo nalang ako pinabayaan? Paulit-ulit ang tanong ko sa sarili ko. Bakit? Ano ba ang kulang? Bakit hindi tayo tumagal katulad ng iba?

Alam kong mahal kita pero tama ba yung mga naging desisyon ko dati? Kapag ba nakapag-move on na ako, ibig bang sabihin non hindi totoo yung love ko para sa’yo? Kahit naman nasaktan ako, hindi ko parin gustong maging hindi totoo ang naramdaman ko para sa’yo. Kasi kung hindi kita totoong minahal, ano pala yung naramdaman ko? Higit sa lahat, sobrang sinaktan ko ang sarili ko para sa’yo. Para saan lahat nang ‘yon?

Your Ex,

Nin

Dear Ex-BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon