Dylan

97K 2.9K 1.4K
                                    


Dylan


"Okay na ba yung system, Master?"


"Natapos ko na hanggang sixty percent."


"Maaga tayong matatapos nito. Si Digs din, malapit nang matapos, eh," sabi ni Pancho habang tumitingin sa screen ng laptop ko. "Nagawa mo na ba yung sa database?"


"Oo, kaunting input nalang galing kay Digs," sagot ko habang nagco-code.


"Ayos yan Master. Nga pala, may nag-contact sa akin na bagong client. Ni-rcommend daw tayo ng dati nating client, si Mrs Bautista. Nagpapagawa naman ng website ng hotel nila. Kakausapin ko pa tungkol sa presyo. May meeting kami sa sabado."


Napatigil ako sa pagta-type. Hindi pa ba sila nag-uusap ni Digs? Langya. Hindi pa yata nasasabi ni Digs na last project na niya ito sa amin. Tsk. Sino ang magiging designer ng website?


"Hindi pa ba kayo nag-uusap ni Digs tungkol dyan?"


"Hindi pa, Master. Ikaw ang una kong sinabihan, mamaya text ko si Digs." Kinuha niya ang baso niya at uminom ng iced tea. "Nga pala Master, bakit ba tayo nandito sa mall?"


Napatingin ako sa paligid. Ala-una ng hapon, nandito kami sa food court. Magkasama sina Ikay at Janin sa pamimili.


"Ah, may binibili kasi sina Ikay eh."


"Ano ba yung bibilhin nila? Bakit pinadala mo sa akin yung Chevrolet ni Papa?"


"Mga gamit. May nahanap na kasing apartment si Janin kaya aalis na siya sa bahay namin. Magkasama sila ni Ikay na bumibili ng mga bagong gamit niya sa bahay."


Tumango si Pancho. "Ang tagal din niyang tumira sa inyo. Mga isang buwan? Hindi ka ba na-develop?"


"Ha?!" gulat kong sabi.


"Grabeng reaksyon naman 'yan, Master," tumatawang sabi niya. "Ano'ng masama? Pareho naman kayong single. Tsaka maganda siya. Di ka na-develop?"


"Magtigil ka nga, Pancho. Pinopormahan na 'yon ni Kean."


"Sinagot na ba?"


"Tsk. Basta."


"Magtapat ka nga, Master. Ikaw ba ay umiibig sa kanya?" nakangiti niyang tanong.


"Alam mo, Pancho. Si Janin, parang kapatid ko na rin 'yon," paliwanag ko. Nag-umpisa na ulit ako sa pag-type.


"Sus. Alam mo Master, maraming nag-umpisa sa ganyan. Yung tatawagin kang Kuya tapos biglang iba na pala ang ibig sabihin. May pag-aangkin na palang nagaganap."


"Loko ka, Pancho. Tumigil ka. Kumain ka nalang dyan."


Dear Ex-BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon