*Janin

63K 1.7K 490
                                    


*Janin



"Janin! Janin! Janin! Janin!"


Nagmamadali kong binuksan ang pinto ng apartment ko nang marinig ang sunud-sunod na tawag sa akin. Tumambad sa akin ang mukhang ng dalawang babae. Mukha silang tumakbo papunta rito.


"Hello, Janin!" bati ni Ashleen.


"Janin! Pagamit ng cr!" sabi ni Kayleen na tumakbo na papunta sa banyo.


"Ano'ng nangyari sa inyong dalawa? Bakit kayo pawisan?" usisa ko. Pinaupo ko siya sa sofa saka ako pumunta sa kusina para ikuha siya ng maiinom.


Ipinakita niya sa akin ang cellphone niya. "Nanghuhuli kasi kami ng pokemon eh. Kanina pa kami gumagala ni Kay."


"Pokemon?"


"OMG! Janin hindi ka updated! Akina cellphone mo, download natin yung installer."


"Hindi ako mahilig sa games," sagot ko.


"Oh my gosh!" malakas na sabi ni Kayleen sa loob ng banyo.


Bigla siyang lumabas ng cr hawak ang cellphone niya.


"B-bakit?" tanong ko. Nalaglag ba 'yon sa timba?


"May Goldeen sa banyo mo, Janin!" sabi niya.


"Hindi nga?!" malakas na tanong ni Ashleen na kumikislap ang mga mata.


"Tignan mo, nahuli ko!" sabi ni Kayleen saka ipinakita ang phone.


May nakita akong isda na mukhang goldfish doon. Kulay white at orange.


"OMG! Ang cute niya!" sabi ni Ashleen.


Pinanood ko lang silang dalawa na mukhang nag-eenjoy sa laro. Hmm. Hindi ako maka-relate. Umupo ako sa sofa at binuksan ang tv para manood.


"Hala! Nag-text si kuya!" anusyo ni Kayleen. "Nakakuha sila ng Eevee at Nidoran ni kuya Yohan!"


"OMG! Eevee!"


Eh?


"Yohan? Magkasama na naman sila ni Yohan?" tanong ko.


Tumingin sa akin si Kayleen. "Kanina pa silang umaga nanghuhuli ng pokemon e. Hindi nga nila ako hinintay."


"Close na ba sila?"


"Magkasundo silang dalawa sa games."

Dear Ex-BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon