*Janin

63.6K 1.8K 236
                                    


*Janin

Two Years Ago


"Nin, bumaba ka na," natatawang sabi ni Leon habang tinutulay ko ang magkakapatong na bato sa gilid ng lawa. "Baka mahulog ka."


Hawak niya ang kamay ko habang ginagawa ko iyon. Humawak ako sa magkabilang balikat niya at tumalon pababa. Niyakap ko siya.


"Hmm? Naglalambing ka ba?"


"Ang tagal kasi natin hindi nagkita," sagot ko.


Niyakap niya ako. "Sorry. Naging busy kasi ako sa school."


Idinikit ko ang mukha ko sa dibdib niya. Isang buwan na simula nang sinagot ko siya. At mas lalo siyang nagiging sweet sa akin. Iyon nga lang, nitong mga nakaraang araw, hindi kami masyadong nagkikita.


Humiwalay ako sa kanya. "Parang pumapayat ka, Leon." Pinagmasdan ko siya. Para rin maputla ang mukha niya. "Kumakain ka ba nang mabuti?"


Isang ngiti ang iginanti niya sa akin. Ngunit hindi iyon umabot sa kanyang mga mata. Para bang may itinatago siya sa akin.


"Oo naman, masyado lang talaga akong natutok sa mga ginagawa ko ngayon."


"Okay lang naman na mag-concentrate ka sa studies mo pero hwag mong pababayaan ang sarili mo," sabi ko sa kanya.


Hinawakan niya ang dalawa kong kamay.


"Yes ma'am."


Ngumiti ako sa kanya. "Kapag nagkasakit ka, tawagan mo ako. Ipagluluto kita. Ako ang mag-aalaga sa'yo."


Humigpit ang hawak niya sa mga kamay ko. At nakita kong nabalot ng lungkot ang mga mata niya. Magkagayon man, nakangiti parin siya sa akin.


Tumango siya. "I will."


Magkahawak ang kamay namin na naglakad lakad. Hinigpitan ko ang hawak ko sa kamay niya. Nakaramdam ako ng takot bigla. Parang kahit anumang oras ay mawawala nalang siya bigla sa akin.


"May hindi ka ba sinasabi sa akin, Leon?"


"Yeah," bulong niya.


Sinilip ko ang mukha niya at nakita kong nakatingin na siya sa akin.


"Ano?"


"Hindi ko pa nasasabi sa iyo kung gaano ka kaganda."


"Leon," hindi ko mapigilan na ngumiti.


"At kung gaano kita kamahal," seryoso niyang sabi. "At kung gaano ako kaswerte dahil nakilala kita, Nin. Dahil sa'yo, pakiramdam ko, kumpleto na ang buhay ko."

Dear Ex-BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon