Janin

112K 3.1K 431
                                    


Janin

Pagkababa ko ng bus ay nakita ko na kaagad ang gate ng Green Leaf estate. Makalipas ang halos isang oras na byahe ko ay nakarating din ako sa destinasyon ko. Unang araw ko sa trabaho ngayon, miyerkules. Kinausap ako saglit ng guard na nagbabantay doon at kaagad din naman akong pinapasok nang makumpirma kung sino ako.

Nakalinya ang mga naglalakihang bahay pagkapasok ko sa subdivision. Puro nagtataasan ang mga iyon at nahaharangan ng mga bakal na gate. Number seventeen ang bahay ng kliyente ko. Gaano kaya kalaki ang bahay niya?

Hindi rin naman ako nahirapan sa pag-hahanap. Ilang sandali pa ay nakita ko rin ito. Tinignan ko muna mula sa labas ang bahay, may dalawang palapag lamang iyon at hindi kasing laki ng ibang bahay sa subdivision. Kinuha ko ang susi mula sa sling bag ko at ginamit iyon para buksan ang gate. Tumambad sa akin ang lawn sa harap ng bahay. Pantay ang tabas ng mga damo at mukhang bagong linis lang iyon. May garahe sa kaliwa na ang laman lang ay isang motorsiklo; pamilyar ang disenyo non. Katulad iyon ng motorsiklo ni Dylan.

Gamit ang susi, binuksan ko ang pintuan ng bahay. Maliwanag ang loob ng bahay, dahil na rin siguro sa puro salamin na bintana kaya tumatagos ang sinag ng araw sa loob. Makintab ang wooden floors at malamig sa mata ang kulay ng mga gamit na yari sa kahoy. Ang kahoy na sofa sa salas ay makintab, napapatungan iyon ng makapal na foam. Maging ang lamesa sa tapat nito ay mukhang madulas din kapag hinawakan.

Gawa din sa kahoy ang umiikot na ceiling fan na may hugis dyamanteng ilaw sa gitna. Malinis din iyon at walang bahid ng alikabok nang pakatitigan ko. Nakapagtataka. Pumunta na ako sa kusina. Hiwalay ang dining room at kitchen. Simple lang ang kusina nila na binubuo ng: lababo, cabinets sa itaas at ibaba, stove na may oven sa ilalim at refrigerator. May lamesa sa gitna ng kitchen at may apat na silya roon; na yari rin sa kahoy. May divider na naghihiwalay sa kitchen at dining room. Simple lang din ang ayos ng kainan, isang mahabang lamesa na napapaligiran ng anim na upuan na puro gawa sa kahoy. Simple man ay elegante iyon tignan dahil sa mga inukit na disenyo sa mga kahoy.

Sunod kong pinuntahan ay ang ikalawang palapag. May nakita akong tatlong pinto nang maakyat ko ang hagdan. Ang hula ko ay dalawang kwarto at isang banyo. Binuksan ko ang pintuan sa kaliwa; isa iyong kwarto na may king size bed sa gilid at napapatungan ng puting bedsheet. Maliwanag ang kwarto, walang tumatakip na kurtina sa salaming bintana. Napakasimple lang ng loob nito. Bukod sa kama ay may iilang gamit lang sa loob katulad ng; bedside table na napapatungan ng puting lampshade, isang flat screen TV sa tapat ng kama, isang bookshelf na naglalaman ng ilang libro at DVDs. May malaking built in cabinet sa isang gilid. At isang maliit na veranda sa dulo ng kwarto.

Ang ikalawang pinto ay banyo. Kulay puti ang tiles, isang salamin sa taas ng sink. May toilet, shower at bathtub. Inaasahan ko na kung ano ang makikita ko sa ikatlong pinto, pero nagulat ako nang makita ang napakaraming box sa sahig. Magulo ang ayos ng mga iyon at mukhang minadaling ilapag doon. Walang kama sa loob, mukhang isa lamang itong display o reading room. Isang lamesa at swivel chair sa gitna. At puro mga bookshelves na sa paligid. Ang iba ay naglalaman ng libro; ngunit mas maraming laruan ang naka-display doon. Ang iba ay robots, ang iba naman ay mga simpleng laruan lang katulad ng dinosaurs, bear at ilang anime characters na hindi ko kilala. Marami din siyang stuffed toys.

May nakita akong kulay dilaw na sticky note na nakadikit sa shelf. Nilapitan ko iyon at kinuha.

Janin

For your first assignment, please assemble my toy train for me.

You will see the box below. :)

K

Toy train? Tumingin ako sa ibaba ng shelf at nakita ang malaking box ng laruan. Pero mukhang hindi naman iyon bastang laruan lang, mukhang pang adult na iyon dahil sa makatotohanang disenyo na naka-print sa box. Tumingin ako ulit sa paligid ng kwarto. Saan nya balak ilagay ang train tracks?

Dear Ex-BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon