Janin

112K 2.9K 207
                                    

Janin


Binalikan ko ang hinihigaan ko kaninang kutson. Wala roon ang wallet ko. Tinignan ko ang mga tao sa paligid ko. May kanya kanya silang ginagawa. Sino ang kumuha ng wallet ko? Kaagad akong lumapit sa isang babaeng nag-aasikaso sa mga tao at sinabi ang tungkol sa nawawala kong wallet.


"Miss lapit ka nalang sa front desk tapos i-report mo."


Pumunta ako sa sinasabi nya at nireport ang pagkawala ng wallet ko. May ipina-fill up sila sa aking form.


"Pang anim ka nang nawalan ngayon. Mula kagabi pa may mga nawawalan ng gamit dito," sabi ng babaeng nagbabantay.


"Mahahanap nyo po kaya?" tanong ko habang iniaabot sa kanya ang form.


"Kung yung wallet siguro, oo. Pero hindi na namin maibabalik ang mga laman na pera."


Bumagsak ang balikat ko. Nandoon lahat ng pera ko pati IDs ko. Papaano na ako makakahanap ng trabaho? Wala akong maipapasang papeles na requirements sa trabaho.


"Wala ka bang ibang mapupuntahan? May telepono kami rito, kung gusto mo pwede kang makigamit."


Kinapa ko ang bulsa ko. Kahit papaano nasa akin pa ang cellphone ko. Ito nalang talaga ang natitira kong gamit. Kailangan ba ng ID kapag magsasangla ng gamit? Pero kailangan nito ng charger. Mapagkamalan pa akong magnanakaw nito.


"May charger po ba kayo?" tanong ko sa kanya.


Pinahiram nya ako ng charger ng cellphone. Mabuti nalang at compatible sila. Pumunta ako sa sulok kung saan walang masyadong tao at doon nag-charge. Hindi na ako umalis sa pwesto ko. Ayokong pati ito ay mawala sa akin.


Nang makita kong may ten percent na ang battery charge inalis ko na ito sa pagkaka-charge. Mabilis akong naghalungkat ng mga pangalan sa contacts ko. Iilan lang ang mga pangalan na nasa list ko. Hindi ko sila ka-close lahat. Naisip ko sina Karen pero... ayokong makaabala sa plano nilang bakasyon.


Tinitigan ko ang nag-iisang pangalan na pwede kong tawagan ngayon. Pumikit ako nang mariin habang tina-tap ang call button. May ringback tone sya na korean song. Ilang segundo ang nakalipas bago sya sumagot.


[Hello? Janin!]


"Kayleen, busy ka ba?"


***


Makalipas ang kalahating oras may tumigil na taxi sa tapat ng center at nakita kong bumaba si Kayleen. Humahangos syang tumakbo papunta sa akin at mahigpit akong niyakap. Nagulat ako sa higpit ng yakap nya.


Humiwalay sya sa akin saglit para tignan ang katawan ko. "Okay ka lang ba Janin? May sugat ka ba? Kailangan mo bang pumunta sa hospital? May sumasakit ba sa'yo?" sunod-sunod nyang tanong.

Dear Ex-BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon