Janin

66K 2.2K 379
                                    


Janin


Ano ba ang balak niya? Bakit siya nandito? Hindi pwedeng coincidence lang ang lahat. Paano niya nalaman na dito ako nagtatrabaho? Nakita ba niya? Siguradong may binabalak siyang gawin. Kung ano man iyon, kailangan kong malaman!


Mula sa pinagtataguan kong shelf ng mga noodles, sinilip ko siya na nasa cash register. Nagbibigay siya ng sukli sa customer na babae. Naramdaman kong napangiwi ako nang makita ko siyang bahagyang ngumiti sa kausap niya. Hah. Hindi na siya nagbago.


Kanina, tinuruan ko siya kung paano gamitin ang cash register machine. Mabuti nalang mabilis niyang natutunan 'yon. Ayokong tumabi sa kanya roon at bantayan pa siya.


Nagpatuloy ako sa pag-mop ng sahig. Alas onse na ng gabi. Paunti na nang paunti ang mga napasok sa loob ng store. Isipin ko palang na maiiwan kaming dalawa na magkasama sa napakahabang oras, kinakabahan na ako.


Kung pwede lang sana akong mag-quit. Pero hindi pwede. Malapit na ang pasukan. At ang isa pa, mahirap na makahanap ng trabaho ngayon na aayon sa schedule ko.


"Alam mo, hindi mo naman kailangan na magtago, Janin."


Nagulat ako nang marinig ang boses niya sa likod ko. Napaharap ako sa kanya. "S-sino'ng nagtatago? Naglilinis ako rito!"


"Is that so? My bad, kanina ka pa kasi dyan. Akala ko nagtatago ka," tila nababagot na sabi niya sa akin.


Napaka-yabang talaga niya. Ano ba ang nagustuhan ko sa hambog na lalaking ito? Siya ba talaga ang lalaking iniyakan ko nang paulit ulit? Nababaliw na yata ako. Bakit ba ako nagpaloko sa kanya?


"Bakit naman ako magtatago sa'yo? May kasalanan ba akong ginawa sa'yo?"


Humalukipkip siya at tinignan akong mabuti.


"Look, I just wanna work here in peace."


"In peace?! Kung gusto mong mag-trabaho in peace, bakit dito pa? Alam mo naman na nandito na ako! Sinusundan mo ba ako?! Sinabi ko na sa'yo diba, ayoko nang makita ka pa ulit!" mariin kong sabi.


Tinignan niya ako na parang disappointed siya sa akin.


"Janin, hindi umiikot ang mundo ko sa'yo."


Nalaglag ang panga ko sa sinabi niya. Uminit ang mukha ko. "HA?!"


Bumuntong hininga siya. "Hindi ko alam na dito ka rin nagtatrabaho—"


"Bullshit, Leon! Sawang sawa na ako sa mga kasinungalingan mo!"


"Walang personalan, Janin. Trabaho lang 'to," ngumisi siya.


Nagngitngit ako sa inis. Kailan pa niya kinailangan na magtrabaho sa ganitong klase ng lugar? Kahit saang anggulo ko siya tignan, puro kasinungalingan ang nakikita ko.

Dear Ex-BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon