Janin

106K 2.8K 191
                                    

Janin


Ilang oras pa ang lumipas bago nasugpo ang apoy na kumain sa buong building. Hindi ko alam kung ilang oras na akong nakaupo sa tapat ng isang saradong tindahan. Hindi ko alam kung saan na ako pupunta ngayon.


"Miss, okay ka lang?"


Tumingala ako sa matandang lalaki sa tapat ko.


"Isa ka ba sa mga nasunugan?"


Hindi ko magawang sumagot.


"Pwede raw muna kayong magpalipas ng gabi sa center sabi ni Mayor. May mga ipinapamigay din doon na mga gamit at pagkain," patuloy nya.


Sa center?


"Papunta doon yung isang jeep. Sumabay ka na," sabi nya tsaka sya umalis para asikasuhin ang iba pang nasunugan.


Tumingin ako sa paligid ko. Tinignan ko ang mga tao at kitang kita ang kawalan ng pag-asa sa mga mukha nila. Katulad ko, mukhang nawala rin ang lahat ng gamit nila sa sunog.


May dumampi sa kamay ko na malambot at basa. Nakita ko ang aso kong si Sirius na nakatingin sa akin. Sya nalang ang meron ako. Inalis ko ang tali sa leeg nya.


"Hindi ko alam kung saan ako pupunta." Pero alam ko kung saan ako hindi pupunta. Kahit na anong mangyari, hindi parin ako pupunta sa mansion. Pagsubok lang 'to, kaya ko tong lagpasan. "Sirius, hindi ko alam kung maaalagaan pa kita. Kahit ako hindi ko alam kung maaalagaan ko pa ang sarili ko."


Tinignan lang ako ni Sirius nang matagal. Ano kaya ang iniisip nya ngayon? Naiintindihan kaya nya ang mga nangyayari sa paligid nya? Tumayo ako at naglakad papunta sa jeep.


"ARF! ARF!" tahol ng aso ko na nakasunod sa akin.


"Kuya, pwede po ba ang mga hayop sa center?" tanong ko sa lalaking naka-uniporme.


"Naku hija, sa dami ng mga nasunugan eh wala nang matitirang espasyo para sa mga alagang hayop. Kung gusto mo iwan mo nalang sa kakilala mo yang aso mo."


Iiwan ko si Sirius? Tinignan ko ang aso ko na pinapanood ako.


"Sasakay ka ba? Aalis na 'tong sasakyan," tanong sa akin ng lalaki.


"Sige po kuya, salamat nalang."


Naglakad ako pabalik sa upuan ng saradong tindahan. Kailangan kong mag-isip ng paraan kung paano mabubuhay ngayon. Saan ako matutulog? Kailangan ko ng pera. Kinapa ko ang bulsa ko, kinuha ko ang wallet ko. Mabuti nalang nasa akin ito, nandito lahat ng IDs ko. Nasa akin din ang cellphone ko. In-on ko ang cellphone ko pero ayaw mabuksan. Bumuntong hininga ako. Binuksan ko ang wallet ko at tinignan kung magkano ang laman. May one thousand five hundred pa ako na natitira at ilang barya. Ano ang uunahin ko? Seven hundred ang bayad sa pinakamalapit na hotel dito. Pagkain ngayon. Damit. Pagkain bukas. Damit para sa paghahanap ng trabaho. Kailangan ko rin pumunta sa internet cafe para gumawa ng resume. Print. Folder. Pamasahe. Pagkain. Hotel. Kulang ang pera ko para magrenta ng apartment. Pwede kaya sa dorm? Pwede ba ang mga aso sa dorm?


'Maghihintay kami. Parte ka parin ng pamilya natin.'


Hindi pwede! Hindi ako babalik sa kanila. Nakalayo na ako sa kanila, ngayon pa ba ako babalik? Dati rin naman walang wala ako pero nakaya kong makaipon. Kaya kong gawin ulit 'yon.


"Halika na Sirius, may pupuntahan tayo."


Ilang minuto pa ng paglalakad nakarating kami sa bahay ng isa kong kaklase. Hindi kami close pero minsan nag-uusap din kami. Nakakasabay ko rin syang umuwi dati. Pinindot ko ang doorbell nila at lumabas ang Nanay nya.


"Good evening po, si Jenny po?"


"Ay kaibigan ka ng anak ko? Pasok ka," anyaya nya.


Pinapasok nila ako sa bakuran nila pero hindi na ako pumasok sa loob ng bahay. Ayokong iwan si Sirius sa mag-isa.


"Jenny! Bumaba ka riyan! May bisita ka," rinig kong tawag sa kanya ng Nanay nya.


"Uy Janin! Kumusta?" bati nya nang makalabas sya ng bahay.


"Ah," huminga ako nang malalim. "Pwede bang humingi ng pabor?"


"S-Sige, ano yon?"


"Pwede ko bang iwan muna dito yung aso ko? Kahit ngayon gabi lang?"


"Ha? Sige yun lang pala. Hindi ba sya nangangagat?" tinignan nya si Sirius.


"Hindi, mabait sya."


"Bakit mo nga pala sya iiwan dito?"


Nag-isip ako ng idadahilan.


"Uhh... Nakita kasi sya ng landlord. Bawal ang aso sa apartment. Maghahanap lang ako ng aampon sa kanya. Babalikan ko sya bukas."


Tumango si Jenny.


"Okay," sagot nya.


Lumuhod ako sa harap ni Sirius at hinimas ang ulo nya.


"Babalikan kita bukas. Pakabait ka."


Nagpaalam na ako at umalis. Sa ngayon, maghahanap muna ako ng matutulugan. Sayang ang pera kung maghohotel pa ako. Hahanapin ko nalang ang center at doon muna ngayong gabi.


Katulad ng sinabi kanina ng lalaking nakausap ko, maraming tao ang magpapalipas ng gabi sa center. Halos wala na akong naabutang espasyo para sa akin. Maraming kutson na nakalatag sa semento, ilang unan at kumot. Nakikihati ako sa higaan ng isang matandang babae.


Akala ko hindi ako makakatulog, pero dahil na rin siguro sa sobrang pagod kaya mabilis akong nahimbing. Maliwanag na nang magising ako. Mga iyak ng sanggol ang sumalubong sa akin. Gising na ang mga tao. May mga naka-styrofoam na pagkain silang hawak at bote ng tubig. Wala na sa tabi ko ang matandang babae. Tumayo ako at hinanap ang palikuran. Habang naglalakad sa pasilyo may naramdaman akong hindi normal. Parang may nawawala. Kinapa ko ang bulsa ko at halos malaglag ang puso ko. Nawawala ang wallet ko.



***AN

May nawalang chapter pala sa DEB. Ito yung link, wattpad.com/120507747  . Hindi ko alam kung ano ang nangyari. Baka sa pag-update ng site ni wattpad kaya nabura yung laman nya. Kung may na-encounter kayong blank chapter, balikan nyo nalang sya. :)

PS. Akin si Trafalgar Law. Dami palang One Piece fans dito. <3 Nakama! Ang cute ni Luffy no? :D



Dear Ex-BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon