Kean

100K 3K 494
                                    

Kean



"Are you sure about this, Kean?" masinsinang tanong ni Ms Yuko mula sa kabilang linya ng telepono.


Ibinaba ni Kean ang tasa ng kape sa lamesa. "Yes, I'm sure."


"Okay. Give me two days para hanapan ka ng mga bahay na pwede mong lipatan sa area na ito. Do you want to own it or rent it? I suggest, mag-rent ka muna. Hindi basta basta ito Kean."


"I really want to buy a house or build one if I have the time, I want it now."


"This is a big step, Kean. What about your condo?"


"I'll use it when I need it."


"Halos dalawang oras na byahe ito mula maynila. Nagsasawa ka na ba sa polusyon? Sa traffic? Pero kung ganito kalayo..."


"Ah, let's just say that..." may naglarong ngiti sa mga labi ni Kean. "I'm doing this for my heart's sake."


"Don't worry, may mga kilala akong realtors. Magtatanong ako kung may available. But Kean, top priority parin ang safety mo. Kahit may makita ako sa area na ito na bahay pero hindi safe, I'm sorry pero hindi ako papayag."


"I expect nothing less from you Ms Yuko. If the security isn't good then I don't want it."


"Mabuti at nagkakaintindihan tayo. Anyway, I have an appointment with- oh Francis! Hello! Susunod na ako, kausap ko lang si Kean. Yes. Kean, I have to go. Give me two days to find you a decent place, okay?"


"Thank you."


"Anytime."


Ibinaba ni Kean ang cellphone sa lamesa at tumingin sa labas ng kanyang glass wall. Kitang kita ang mga nagtataasang building sa harap nya. Papalubog na ang araw. Kagagaling lamang nya sa isang fan meeting event. Matatagalan pa siguro bago sya makakuha ng bakasyon. Hindi naman sa nagrereklamo sya, mahal nya ang trabaho nya. Pero minsan, minsan hinihiling nya na magkaroon sya ng araw na bakante sya. Mukhang matatagalan pa iyon, dahil sa kalalabas na movie, hindi hahayaan ng agency na mawala ang atensyon sa kanila ng media.


Napabuntong hininga si Kean at inangat ang librong di nya matapos tapos basahin. Noong nakaraang buwan pa nya ito nasimulan, pero hanggang ngayon di nya matapos.


Hindi pa nagtatagal ang mata nya sa pagbabasa ng libro ay tumunog ang cellphone nya.


"Hello?"


"Kean," si Francis. "Are you really moving out?"


Saglit syang nagulat sa tanong nito. Narinig ba nito iyon sa usapan nila ni Ms Yuko? Pero kung tama ang natatandaan nya, nandoon din ito nang pag-usapan nila iyon ni Dylan.


"I plan to, yes."


"Where?" mabilis nitong tanong.


"Haven't found a place yet. Why do you ask?"


"But... you're planning to move near Dylan's house, correct?" tanong nito na binigyang diin ang pangalan ng binata.


"Yes. Are you also interested?"


Sandaling natahimik ang kabilang linya. Tinignan ni Kean ang cellphone para siguraduhin connected parin sya sa kausap.


"I won't lose to you, Kean."


Iyon lang ang sinabi ni Francis bago putulin ang linya. Nangungunot ang noo na tinignan muli ni Kean ang cellphone. Naging palaisipan sa kanya ang mga tanong nito. Hindi naman kasi ito tumatawag lang para mangumusta. Puro tungkol sa trabaho lang ang pinag-uusapan nila. Kaya ano ang nag-udyok dito para tawagan sya tanungin nang ganon? Nagtataka sya sa huling sinabi nito. 'Para saan 'yon?'


Muli nyang hinarap ang libro at nagbasa. Sa pagtagal ng pagbabasa nya, nawala na sa isip nya ang kakaibang sinabi ni Francis sa kanya. Pero nanatili ang excitement nya sa kanyang plano. Kaunting paghihintay nalang magkikita na rin sila sa wakas. Ano kaya ang unang sasabihin nya rito? Sana hindi maging katulad noon sa hotel ang mangyari.


Dear Ex-BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon