Janin

108K 3.2K 498
                                    

Janin



"Kean! Hijo, salamat sa pagpunta. Kumusta si kumpadre? Matagal tagal na rin kaming hindi nagkikita," tanong ni Papa sa binatang katabi ko.


Kean Lee. Sa ayos at tindig nya, halatang nanggaling sya sa isang kilalang pamilya. Anak sya ng isang makapangyarihang business tycoon na si Joren Lee at sikat na modelo sa Paris na si Michelle Roza. Bukod pa roon, isa rin syang sikat na artista. Narinig ko ito sa usapan ng mga bisita. Kaya siguro sya pamilyar sa akin dahil isa syang artista.


Ang hindi ko maintindihan, paano nya nalaman ang pangalan ko? Ipinagtanong ba nya? O matagal na nya akong kilala? Nagkita na ba kami sa ibang parties nina Mama at Papa? At higit sa lahat, bakit ayaw nyang bitawan ang kamay ko?


Matapos naming sumayaw kanina, nilapitan na sya ng ibang bisita. Karamihan sa lumapit sa kanya ay mga pinsan ko (sa papel). Hindi ako naging komportable na mapaligiran nila kaya naman binalak ko na umalis at iwan sya. Pero kinuha ni Kean ang kamay ko at inilagay sa braso nya. Sa tuwing tatangkain ko na umalis, hahawakan nya nang mahigpit ang kamay ko. May tatlong beses na itong nangyari. Wala akong nagawa kundi ang manatili sa tabi nya.


"By the way, malapit na pala ang grand opening ng hotel nyo sa Jeju. Binabalak namin ni Adelina na pumunta roon," sabi ni Papa.


"I'm sure matutuwa po si Papa na malaman na makakarating kayo sa opening ng hotel," magalang na sabi ni Kean.


"Enough Samuel," awat ni Mama kay Papa bago pa mapunta sa business ang usapan nila. "Kumain ka na ba hijo?" tanong ni Mama.


"Not yet po Tita," nakangiting sagot ni Kean.


"Janin, samahan mo muna si Kean na kumain," sabi ni Mama.


Tinignan ko si Kean na napatingin naman sa akin. Ngumiti sya nang malapad sa akin. Kanina pa sya ngiti nang ngiti sa akin. Ganito siguro talaga kapag artista.


"Opo Mama..." sagot ko.


"Asikasuhin mo syang mabuti," nakangiting sabi sa akin ni Mama na para bang may iba syang ibig sabihin.


Dinala ko sya sa buffet table. Nahiwalay na ako sa kanya dahil kailangan nyang hawakan ang plato nya.


"Kumain ka na ba?" tanong nya sa akin.


"Oo, kanina." Nakaramdam ako ng tensyon nang makita na papalapit sa amin ang mga pinsan kong babae.


"Hindi ka na ba kakain ulit?"


"Busog na ako e."


"Dessert?" alok nya at kasing tamis ng cake ang ngiti nya sa akin.


"Hi Kean," bati ng isa sa mga pinsan ko. Si Lia.


Nginitian sya ni Kean. Sapat na 'yon para gawing imbitasyon ng pinsan ko na mas lumapit pa. Nasa likod nya sina Savanah, Jessica, Sasha at Katrina na puro nakatitig kay Kean at matamis ang mga ngiti sa labi. Sa tagal ko silang kilala, ngayon ko lang sila nakitang ganito kasaya.

Dear Ex-BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon