Janin

93.3K 2.9K 377
                                    


Janin


May natutulog na lalaki sa loob ng kwartong lilinisin ko. Nagulat ako nang una ko syang makita dahil hindi ko inaasahan na may makikita akong tao sa loob ng bahay ngayong araw. Isa pa, isa syang lalaki. Babae ang employer ko hindi ba? Anak kaya niya ito?


Nakatakip hanggang sa kanyang dibdib ang makapal na puting kumot. Diretso syang nakahiga at walang kamalay-malay na may ibang tao na sa kwarto nya.


Nanatiling nakapikit ang mga mata nyang may mahahabang pilikmata. Bahagyang natatakpan ng itim niyang buhok ang kanyang noo at mga kilay. Matangos ang diretso nyang ilong at namumutla ang kanyang mga labi. Ah. Kung titignan mabuti, maputla rin ang mukha niya.


Doon ko naisipan na hawakan ang kanyang noo. Hindi na ako nagtaka nang maramdaman na mainit sya.


Lumabas ako ng kwarto habang hawak parin ang vacuum cleaner na gamit ko. Nalinis ko na ang unang palapag, pati na rin ang toy room at bathroom. Yung kwarto nalang niya ang hindi ko pa nalilinisan.


Pumunta ako sa kusina para kumuha ng ice cubes, basin at face towel. Nilagyan ko ng kalahating tubig ang basin at dinagdagan ng yelo. Umakyat ako ulit sa ikalawang palapag para puntahan siya sa kwarto. Iniwan ko syang may basang towel sa noo para hanapin ang first aid kit. Nabigo akong makita yon makalipas ang ilang minuto kong paghahanap. Wala sa kwarto niya, sa kusina o sa bathroom. Wala sa buong bahay. Posible kayang wala syang first aid kit sa bahay niya?


Nakagat ko ang ibabang labi ko. Gisingin ko kaya sya? Tinitigan ko ang mukha nya, mukhang magkasing edad lang kaming dalawa. Habang tinitignan ko sya, bigla ko syang namukhaan. Pamilyar ang mukha niya! Nakita ko na sya noon... sa party, sa movie... sa TV.


Siya si Kean Lee.


Mabilis akong lumabas ng kwarto at bumama ng hagdan. Kinuha ko ang sling bag ko na nasa lamesa sa living room. Hinanap ko ang ATM card na ibinigay sa akin noong unang araw ko. Binuklat ko ang card holder at binasa ang pangalan sa card.


Solomon McCain.


Solomon? Sino sya?


***


Nang magising sya ilang oras ang makalipas, kaagad ko syang pinakain at pinainom ng gamot. Lumabas ako ng bahay kanina para ibili sya ng mga gamit na kailangan niya. Tahimik lang sya habang sinusunod ang mga sinasabi ko. Halata na nagulat pa sya nang makita ako kanina. Hindi sya makatingin sa akin nang diretso. Mabuti naman.


Umupo ako sa silya sa tabi ng kama nya at nakahalukipkip siyang tinignan nang mabuti.


"Pinaglalaruan mo ba ako?" ang unang tanong ko sa kanya.


"H-Hindi ko gagawin sa'yo 'yon," todo tanggi niya.


"Kung ganon, pwede mo bang ipaliwanag kung anong set-up ito?"


Dear Ex-BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon