Dylan

78.9K 2.3K 361
                                    


Dylan


Ano na kaya ang nangyari? Napakamot ako sa batok ko. Nakapag-tapat na kaya si Kean kay Janin o umiral ulit ang pagiging torpe niya? Patapos na ang kontrata sa kanya ni Janin ah. Mag-tapat na siya dapat.


Kumagat nalang ulit ako sa barbeque na hawak ko. Alas sais na. Nag-umpisa na silang mag-sindi ng mga lanterns sa paligid. Nandito kami ngayon sa clubhouse. Nakakahiya, hindi man lang ako nakapag-partcipate sa mga activities dito. Tapos binigyan pa nila ako ng award. Napatingin ako sa trophy ko na yari sa kahoy, may inukit na Lola roon na may tungkod. Sa ilalim niya ay nakaukit ang Granny's Award. Paborito parin nila ako.


Nasaan ba si Ikay?


"Dylan!" bati sa akin ng isang babae.


Nagulat ako nang makita siya. "Sheryl? Kumusta? Nandito ka na naman pala?" pabiro kong tanong.


"Grabe ka naman! Parang ayaw mo akong makita. Oo, last week pa!" nakangiti niyang sabi.


Tumabi siya sa inuupuan kong bench. Nasa tapat kami ng mga senior citizens na nagsasayaw ng Tango.


"Biro lang naman 'yon. Kumusta naman ang Japan?"


"Yon, inabutan namin yung cherry blossoms doon. Ang ganda nga eh. Nakita mo ba mga pictures ko sa instagram?"


"Puro pusa nakita ko e."


"Ano ba yan, hindi ka na naman updated! Matagal na yung sa cat cafe na 'yon. Buksan mo ulit insta ko para makita mo. Sama ka sa amin next time, ha?"


Si Sheryl, isa sa mga kaibigan ko rito sa subdivision. Kaka-graduate lang niya ng college sa natapos niyang Architecture. Yung lola niya, paboritong paborito ako. Kaya naman pala ako ang nakatanggap ng Award, dumating na pala sila.


"Nga pala, punta ka sa bahay ha? May mga binili si Lola para sa iyo eh."


"Pagkain ba yan? Ramen?" tanong ko. Okay na ako sa cup noodles nila. Mas marami kasing laman iyon kumpara sa mga cup noodles na nandito sa Pinas.


"Takaw naman nito. Pakagat nga!" Hinawakan niya ang kamay kong may hawak na barbecue saka kumagat doon. "Mm!"


"Langya."


Tumayo na siya. "Punta ka sa bahay, ha!" Nag-lakad na siya paalis non papunta sa mga kaibigan niyang babae.


"Ohoho! Ano ang nasaksihan ng aking magaganda at kumukuti-kutitap na mga mata?"


Napalingon ako sa gilid ko at nakita si Ashleen. May hawak siyang paper plate at plastic cup. Tumabi siya sa akin ng upo.


Dear Ex-BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon