Dylan

123K 3.6K 1.1K
                                    


Dylan


Nagising ako sa tunog ng cellphone ko. Pakiramdam ko ay wala pang isang oras simula nang matulog ako. Pagod na pagod pa ang katawan ko at ang sakit ng likod ko. Kinapa ko ang maingay na cellphone sa tabi ng unan ko. Binuksan ko ang isa kong mata para silipin kung sino ang tumatawag.


"Hello?"


"Good morning Dylan!" masiglang bati ng taong tumawag sa akin. "Are you still sleeping?"


"Hmm. 'nong kailangan mo?"


Narinig ko ang tawa nya. "Are you free? I need your help."


"Kean, alam mo ba kung anong oras pa lang?"


"It's eight thirty in the morning, Dy. Well, are you free today? "


Eight thirty palang. Mamaya pang alas dose ang gising ko dapat. Tinapos ko kasing laruin ang paborito kong RPG kaya inabot ako ng alas kwatro ng madaling araw. Ang sakit ng mata ko.


"Tantanan mo lang ako ng kaka-ingles mo dude at pupunta ako. Hindi pa gumagana ang utak ko." Tamad na tamad akong umupo sa kama ko. Kailangan ko nang bumangon, kapag hindi ko ginawa yon, alam kong babalik lang ulit ako sa pagkakatulog pagkatapos ng tawag na ito. "Breakfast, sagot mo?"


"Nakahanda na, mainit pa," natatawa nyang sagot.


"Loko, anong nangyari at ang saya mo?" nakakunot ang noo na tanong ko. Nasisilaw ako sa bintana ko kaya naman inayos ko ang takip ng kurtina. Kaya pala ang liwanag, nakalimutan kong takluban kagabi.


"Something happened last night. Maybe it's destiny..."


Ako naman ang natawa sa kanya. "Destiny. Ang baduy mo Kean. Saan mo ako hinihintay ngayon?"


"I'll text you the address."


"Sige, susunod ako. Maliligo lang ako."


"Thanks man, I'll see you later."


"Ge."


Ipinatong ko sa kama ang cellphone matapos ang tawag. Humikab ako at kumuha ng damit sa drawer. Isinukbit ko ang towel ko sa balikat ko at lumabas na ng kwarto. Ang tahimik ng bahay pagkalabas ko. Natutulog parin ba sina Kayleen at Janin?


Pumasok na ako ng banyo at mabilis na naligo. Matapos non ay kaagad na akong nagpatuyo ng katawan at nagbihis. Isang blue na tshirt at itim na pantalon ang suot ko. Sana naman ay hindi ako papuntahin ni Kean sa isa na namang mamahaling kainan.


Tumunog ang telepono sa bahay kaya naman muntik na akong atakihin sa puso. Napakatahimik kasi ng paligid nang bigla itong malakas na mag-ring. Sana naman hindi ito galing sa call center na nagbebenta ng kung ano o kaya naman ay gustong magpa-upgrade. Nitong mga nakaraang linggo, sunu-sunod ang alok nila ng upgrade kasama ang internet. Dahil siguro ito sa paparating na Telstra. Isang malaking kompanya galing sa ibang bansa na nag-aalok ng mas mabilis at mas murang internet service.

Dear Ex-BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon