Janin

117K 3.1K 338
                                    

Janin


"Umalis si Kuya Dylan, Kayleen?" tanong ni Ashleen na tumingin kay Kayleen mula sa salamin.


Nakaupo ako sa harap ng salamin habang pinag-eexperimentuhan ni Ashleen ang buhok ko. Kinukulot nya ito gamit ang flat iron.


"Oo, makikipagkita kay kuya Kean," sagot ni Kayleen na tumitingin sa magazine. "Ashleen, bakit di ka kaya maging stylist?"


"Stylist? Bakit mo naman biglang naisip yan?"


"Hindi rin naman kasi sa cooking ang talent mo katulad ko. Hehe."


"Aray naman..." nakangiting sabi ni Ashleen.


"Tapos sumama ka sakin papuntang France. Mag-aral tayo don!" excited nyang sabi.


"Aalis ka Kayleen?" tanong ko.


"Plano nyang mag-aral sa France at magtayo ng sarili nyang coffee shop pag-uwi."


Sandali akong nagulat sa balita na 'yon. Hindi ko alam na may ganito pala syang plano sa buhay nya. Kung titignan kasi, parang naglalaro lang si Kayleen at hindi seryoso sa buhay. May ganito pala syang goal sa future nya.


"Pero hindi ka ba natatakot na umalis?" tanong ko.


"Kinakabahan ako," nag-aalalang sagot ni Kayleen. "Pero kapag iniisip ko na marami akong makukuhang experience sa pagpunta ko roon, mas nangingibabaw yung excitement ko! Gustong gusto kong matutunan kung paano sila gumagawa ng cakes doon! Gusto kong gumawa ng sarili kong recipes na maipagmamalaki ko sa buong mundo."


"Haha! Go girl!" pumalakpak si Ashleen.


"Hindi ka ba natatakot na mawala ang boyfriend mo?" tanong ko.


Natahimik silang dalawa sa tanong ko. Kapatid nga pala ni Ashleen ang boyfriend ni Kayleen. Mahirap i-maintain ang long distance relationship. Nandyan pa yung mga pangako na uuwi, pero hindi naman matutupad.


"Alam naman ni Ash, diba?" usisa ni Ashleen sa kaibigan nya.


Tumango si Kayleen. "Alam nyang aalis ako. Pero matagal na naming di napag-uusapan."


"Hwag kang mag-alala. Babantayan ko si Ashton. Aawayin ko lahat ng babae na magkakamaling mang-akit sa kanya," natatawang sabi ni Ashleen.


Narinig namin na biglang tumunog ang door bell.


"May bisita." Kaagad na tumayo si Kayleen mula sa kama nya. "Sino kaya 'yon?"


"Ingat ka Kayleen, baka yung nagpapanggap na census yan pero bebentahan ka lang ng kung anu-ano. Hala lagot ka," panakot ni Ashleen.

Dear Ex-BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon