Dylan

82.1K 2.6K 690
                                    

Dylan

Nasa langit na ba ako? Pagka-gising ko puro puti ang nakita ko, kasunod non ay puro mga bulaklak. Namatay na ba ako? Bakit sobrang daming bulaklak dito? Napapaligiran ako ng iba’t-ibang klase ng bulaklak. Langya, ginawa akong si Snow White.

O kay saklap naman mamaalam sa mundo. Di ko man lang nakita si Ikay bago ako nawala. Nasaan kaya si Ikay?

“Dylan, gising ka na!” sabi ng isang babae.

Uy, may pinto pala don. Namukhaan ko ang anghel na nagsalita. Teka, shit. Si crush pala ‘to. Ano’ng ginagawa niya rito sa langit? O nananaginip ba ako?

“Thank God!” sabi ni Sienna. Lumapit siya sa akin pero dahil maraming bulaklak, medyo nahirapan siya. “Kinabahan ako nang malaman ko kung ano ang nangyari. Kung hindi pa naibalita sa TV na nandito si Kean kagabi, hindi ko pa malalaman.”

Hindi ko masyadong nasundan ang sinasabi niya. Ang ganda niya talaga.

“Nasa langit na ba ako?” tanong ko habang nakatitig parin sa kanya.

Tumawa siya. “Silly. Nandito ka sa hospital. Kumusta? Ano ang nararamdaman mo?”

“Okay na ako, nandito ka na kasi.”

Tumawa na naman siya. “Palabiro ka talaga, Dylan.”

“Hindi naman joke ‘yon.”

Namula ang mukha niya. Mas lalo siyang gumanda. Nasa langit na nga yata ako.

“Knock! Knock!” narinig ko ang boses ng isang lalaki. “Look at you two, huh. Having fun without me.”

Ah. Si... Pumasok siya nang tuluyan sa loob ng kwarto.

“I brought food,” sabi niya na nakangiti habang ipinapakita ang hawak na paperbags. Inilapag niya sa lamesa ang mga dala niya. “What do you wanna eat? I have chicken, pork, fish and vegetable salad. I also have bread here. Do you want to eat sandwich or do you prefer rice?”

Ang dami naman niyang binili. Pero ano ang ginagawa niya rito?

“Cake, meron ka?” tanong ko.

“Oh.” Natigilan siya saglit. Bigla siyang naglakad patungo sa pinto. “I’ll buy you a cake. What kind of cake do you want to eat?”

Huh? Seryoso siya? Ni walang bakas ng panunukso sa mga mata niya di katulad ng palagi niyang ipinapakita sa akin noon.

“Oi! Joke lang,” pigil ko sa kanya.

Tumigil siya at lumingon sa akin. “Ahh.” Ngumiti siya saka napahawak sa batok niya. Bumalik siya sa mesa. "Are you thirsty? Do want coffee, tea or..." Bumalik na ang nanunukso niyang tingin. "Milk?"

"Uhh. Pwedeng tubig nalang?" tanong ko.

"Mineral water." Kumuha siya ng bote ng mineral water mula sa lamesa. Binuksan niya iyon bago ibigay sa akin.

Bakit ba nandito si Francis? Pinilit kong umupo pero nakaramdam ako ng kirot sa dibdib ko pati sa kaliwa kong braso. Ah. Hindi ito panaginip.

“Hwag ka munang umupo, Dylan,” pigil sa akin ni Sienna.

“Here, let me help you,” sabi ni Francis at lumapit sa paanan ng kama ko. May in-adjust siya roon at tumaas nang bahagya ang ulo ng kama.

Tinulungan naman ako ni Sienna na ayusin ang unan ko. Naamoy ko ang pabango niya nang lumapit siya sa akin ng sobra.

Naalala ko na ang nangyari sa akin kagabi. Akala ko talaga katapusan ko na. Hindi ko maalala ang buong nangyari pero naalala ko ang pakiramdam na nasaksak ako sa dibdib. Napahawak ako sa dibdib ko. Muntik na ‘yon.

Dear Ex-BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon