Dylan

85.5K 2.8K 843
                                    

Dylan


Nagpupunas ako ng katawan ko matapos kong maligo nang madaanan ko ang salamin sa aparador ko. Tinignan ko ang katawan ko sa salamin. Hindi naman ako mataba at hindi rin ako payat. Para sa akin, maayos naman ang katawan ko. Naalala ko ang sinabi ni Ikay sa akin kahapon. Magpalagay daw ako ng abs.


Siguro nga oras na para maglagay ako ng abs. Haha!


Matapos ang ilang minuto ay lumabas ako sa kwarto ko nang may anim na abs. Excited ko itong ipinakita kay Ikay.


"Ikay!" Binuksan ko ang pinto ng kwarto niya.


"Kuya!" gulat na sabi niya. Katabi niya na nakaupo sa kama si Ashleen.


"Tignan mo Ikay, may abs na ako!" turo ko sa tyan ko. "Tenen!"


Malakas ang tawa ni Ashleen nang makita ang katawan ko. Nakatakip siya sa bibig niya habang tinatawanan ang abs ko.


"Kuya, ano yan?!"


"Abs nga! Sexy ko no?"


"Burahin mo nga yan pentel sa katawan mo, kuya! Para kang ewan!"


"Sabi mo magpa-abs ako."


"Dylan! Ang sexy mo!" sabi ni Ashleen.


"Salamat Ashleen! Dahil dyan bibigyan ko kayo ng once in a lifetime opportunity!" Sinayawan ko sila ng sexy dance.


"Igiling mo pa Dylan! Wooh!"


"Kuya, tama na! Tigilan mo yaaan!" sabi ni Ikay na nagtatakip ng ng mukha gamit ang dalawang kamay.


"Ganito ba yung sayaw ni Tatum, Ikay?" Hip thrust!


"Kainis ka, kuyaaa!" matinis na sigaw ni Ikay.


"Kaya ba ni Ashton na gumiling nang ganito? Hindi niya kaya 'to, ako lang ang may kaya nito," patuloy ako sa pagsayaw sa harapan nila. "May abs ba siya? Ako meron, anim pa!"


"Tama na! Mukha ka talagang ewan kuya!"


Tumayo si Ikay at tinulak ako palabas ng kwarto niya. Nang matulak niya ako sa labas ay sinarahan niya ako ng pinto.


"Ikay naman!" natatawa kong sabi.


"Burahin mo yan!" sabi niya mula sa loob ng kwarto niya.


Pumasok ako sa kwarto ko nang tumatawa. Makalipas ang ilang minuto ay muli akong pumasok sa kwarto ni Ikay.


"Kuya! Ano ba? Sabi ko, burahin mo yan nasa katawan mo!"


Dear Ex-BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon