Kean

109K 3K 272
                                    

Kean


Pagkababa ng private airplane na sinasakyan nina Kean at ng mga co-actors nya, kaagad syang pinaligiran ng kanyang mga bodyguard. Walang palya ang bantay sa kanya ng mga ito na ipinadala ng kanyang ama. Maging ang sinakyan nilang eroplano ay ito ang nagpahiram.


Malakas ang sigawan ng mga fans na nag-aabang sa labas ng airport nang makita silang naglalakad. Palapit sila sa isang nakaparadang van na ipinadala naman ng agency nila.


"KEAAAAN!! KEAAAAAN!!"


"ANG GWAPO MO FRANCIS GRANT!! ANAKAN MO 'KO!!"


Nagkakagulo ang mga fans lalo na nang makalabas sila ng airport. Mabilis silang dinumog at halos di sila makalakad dahil sa pagka-ipit. Nag-sisigawan ang mga ito habang tinututukan sila ng camera. Maraming nakakasilaw na flashes ang bubulag sa kanila kung hindi lang sila naka-suot ng sunglasses.


"ANG GANDA MO YNA!! PA-SELFIE!!"


"WE LOVE YOU SIENA!!"


"KEAN!!! T***** ANG GWAPO MO!!!! SHET!!!"


Nakahinga sila nang maluwag nang makapasok sila sa loob ng sasakyan. Ngunit kahit na umandar na ito ay hinahabol parin sila ng mga fans. May mga dala rin itong banners at tinututukan parin sila ng camera.


"That was crazy," komento ni Fran.


"Ugh, nahawakan ako kanina. Ang lagkit ng kamay!" reklamo ni Yna habang may pinapahid sa braso. "Namumula ang braso ko!"



"Parang may zombie outbreak. Hinahabol nila tayo," sabi naman ni Siena. Nagbukas ito ng chips at kumain.


"Siena! Tigilan mo nga ang pagkain ng chips. Nakakataba yan! Geez!" sita ni Yna sa katabing co-star.


"Isa lang naman e."


"Saan mo ba nakuha yan?"


"Binigay ng fans ko," nakangiting sagot ni Siena.


Mabilis na kinuha ni Yna ang pagkain na hawak ni Siena.


"Ano ka ba?! Hwag ka ngang tumatanggap ng pagkain sa kung kani-kanino! Paano kung sumakit ang tyan mo? Malay mo hater mo pala yon?!"


Nanahimik nalang si Siena at hindi sumagot. Sanay na sya sa ugali ni Yna. Pero kahit papaano ay masaya sya dahil nag-aalala ito para sa kanya.


"Let her be, Yna," sabi ni Francis mula sa likuran, kung saan katabi nya si Kean.


Nilingon sya ni Yna. "Shut up Francis! Isa ka pa, kung sinu-sinong babaeng foreigner ang kausap mo sa Canada. Paano kung ma-headline ka na naman?"


"What's wrong with talking to women? I was just entertaining them."


"Madadamay si Kean! Madadamay ang loveteam namin! Tandaan mo, magkaka-batch tayong apat. Hindi naman siguro masama kung poprotektahan natin ang image natin, hindi ba?"


Huminga nang malalim si Francis. "Fine. You win. Bungang-araw."


Naningkit ang mga mata ni Yna. "What did you say?"


"Bungang araw, prickly heat," sabi ni Francis habang nakatingin sa kanyang tagalog english dictionary. "Bungang-araw, inflammation of the skin caused by heat."


Nakasimangot na umayos ng upo si Yna. Nagsaksak sya ng earphones at nakinig sa music.


Sa kanilang apat, mapapansin na si Kean ang tahimik at mukhang masaya. Hindi nya pansin ang ingay na ginagawa ng tatlo. Nakangiti syang nagbabasa ng text message sa kanya ni Dylan.


'Finally!' sigaw nya sa isipan. 'I finally found a way!'


Matamis ang ngiti ni Kean sa kanyang mga labi. Napansin naman kaagad ito ng katabing si Fran.


"Are you meeting up with Dylan?" bulong ni Francis sa kanya.


"Yes," nakangiti parin na sagot ni Kean.


Pinakatitigan syang mabuti ni Francis.


"Cool. Can I come?"


Dear Ex-BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon