Robin

101K 2.8K 681
                                    

Robin


Ipinarada ko ang kotse ko sa parking lot na nasa tapat ng building na pupuntahan ko. Kinuha ko ang brown envelope mula sa katabi kong upuan bago lumabas ng sasakyan. Naglalaman ito ng gagamiting script sa game na dinedevelop ng Royal Star. Makaka-meeting ko mamaya ang game developer na hanggang ngayon ay di ko parin alam ang pangalan. Bahala na mamaya.


Monday. Alas nuebe ng umaga. Mga ganitong oras ay nasa bahay pa ako at naghihilik katabi ang pusa ko. Mamaya pa dapat ala una ang gising ko. Kung hindi ko lang talaga crush sina Francis at Kean, hindi ako pupunta ng personal para i-deliver ito ngayon. Sana makita ko sila!


Tumawid na ako ng kalsada at pinuntahan ang building. Mayroon lamang itong labing-isang palapag. Medyo maliit iyon kumpara sa ibang buildings sa paligid pero hindi ito nagpapahuli sa disenyo na may pagka-moderno at agaw pansin. Bago lamang ang talent agency na ito, pero sa kanila na ngayon nanggagaling ang ilang pinaka-sikat na artists sa television.


Pumila na ako sa entrance para magpa-check ng bag saka ako dumiretso sa elevator. Naramdaman kong nag-vibrate sa bulsa ko ang cellphone ko kaya naman kaagad ko itong kinuha para i-check. Kung ang editor ko ito, magpapanggap akong hindi ko nabasa... Hindi ko pa natatapos ang manuscript ko na deadline ko na next week. Sigurado akong gusto niyang malaman kung ilang percent na ang nagagawa ko. Huhu! Nasa kalahati palang ako. Dios mio!


Bumukas ang pinto ng elevator sa harap ko at kaagad akong pumasok sa loob at pinindot ang ninth floor. Binasa ko ang message sa cellphone ko, hindi ko napansin ang dalawang lalaki na sumakay. Ay. Si Tin pala ang nag-text, tinatanong ako kung gusto kong sumama sa lakad ng barkada. Shet. Ano ba yan? Ngayon pa sila nagyaya? Kumusta naman yon? Kung kailan ako busy? Tsk. Pass na naman. Kaya hindi ako magka-love life eh. Palagi nalang akong nasa harap ng manuscript ko. Kawawa naman ako.


"Okay ka na ba, Dy?"


Napaangat ang tingin ko sa dalawang lalaki na nasa harapan ko nang marinig ko ang angelic voice ng isa sa kanila. Uwaaah! Si Kean nakasabay ko sa elevator! Shet! Napaayos ako ng buhok bigla. Pero di naman nila ako pansin dahil nakatalikod sila sa akin at nakaharap sila sa pinto.


"Oo," sagot ng lalaki na kasama ni Kean.


"Hindi na ba sumasakit ang likod mo?" nahimigan ko ang concern sa boses niya.


Tinignan ko nang mabuti ang lalaking kasama niya. Siguro close friend siya ni Kean. Matangkad siya kaysa sa akin pero mas maliit siya nang kaunti kay Kean. Ang haba talaga ng legs ni Kean, pang-modelo. Mana siguro siya sa mommy niyang model.


"Hindi na."


"I'm really sorry, alam kong kasalanan ko 'yan," sabi ni Kean.


Ano kayang nangyari? Ah. Oo nga pala! Chance na ito! Hinanda ko ang cellphone ko. Gusto ko siyang tanungin kung pwede mag-selfie kami! Shet talaga. Hindi ako handa! Nambibigla ka Kean! Nanginginig ako.


"Hindi ako babae Kean, para ka naman..."


Dear Ex-BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon