Kayleen

114K 3.4K 450
                                    

Kayleen


May bisita si Janin. Isang bata... na parang matanda. Pinsan nya? Ang cute naman! Nakasuot sya ng puting longsleeves at knee-length, pink skirt na balloon style. Ang pormal nya tignan.


Nag-uusap sila sa salas ngayon at ako naman ay nasa kusina at kumukuha ng juice at snacks. Ang daming tanong na gumugulo sa isip ko. Hindi ko tinanong si Janin tungkol sa pamilya nya simula nang masunog ang apartment nya. Ang akala ko nasa malayo silang lugar kasi kung malapit lang sila, bakit di sa kanila tumira si Janin? Hindi kaya... hindi nila kasundo si Janin?


Parang sa mga pinapanood na drama ni Mama sa TV? Inaapi nila si Janin sa bahay? Inaalila? Inaalipusta? Hindi pinapakain? Cinderella? Hindi naman siguro.


Ano kaya ang pinag-uusapan nilang mag-pinsan? Gusto kong malaman kaso ayokong maging chismosa... May mga bagay na hindi ko dapat pilitin na alamin, hihintayin ko nalang na si Janin mismo ang magsabi sa akin.


Tumunog ang cellphone ko sa lamesa. Ibinaba ko ang pitsel ng orange juice sa mesa. Kinuha ko ang cellphone ko at binuksan. May nag-comment sa picture namin ni Ashton, ang bago kong display picture sa facebook! Ang cute cute!


Binasa ko ang comment ng isang taong di ko kilala sa personal. Madilim ang picture nyang lalaking nakahubad at naka-rock 'n roll pose. Hindi ko sya kilala, pero may mutual friend kami kaya inaccept ko sya dati.


'Walang forever! </3'


Agad akong sumimangot sa nabasa ko. Pinuntahan ko ang profile nya at inunfriend sya kaagad. Nakakainis! Bakit ba nauso yung 'walang forever'? Meron! Meron! Ayaw tumigil ng mga jejemon, nakakainis talaga!


Kakapalit ko lang ng picture ko kahapon tapos wala kaagad forever? Eeesh! Bakit ba sila ganon? Nakaka-offend kaya! Parang sinasabi kasi nila na magbe-break din kami ni Ashton. Na hindi totoo yung pagmamahal namin sa isa't-isa kasi hindi sila naniniwala sa forever. Sobra ba silang nasaktan? Na-lovelorn? Kailan kaya sila titigil na ipilit sa ibang tao ang sarili nilang paniniwala?


May forever! Kung nasawi sila sa pag-ibig, nandyan naman si God. May forever kay God! May forever din sa family.


Kaso kapag sinabi ko 'yon sa kanila, sasabihan nila akong religious masyado. Unfriend ko nalang si kuyang jejemon. Sana mahanap na nya ang forever nya para maniwala na sya. At tigilan na nya kaming mga taong in love! Hindi kami magbe-break ni baby boy!


Kinuha ko na ang tray at pinatungan ng dalawang baso ng juice at dalawang platito na may tig-isang cupcake. Dinala ko na iyon sa salas kung saan nag-uusap ang mag-pinsan.


"Plano mo bang dito tumira hanggang pasukan?" narinig kong tanong ni Millie kay Janin. "Sigurado ako na kapag nalaman ito nina Tita, pipilitin ka nilang umuwi sa bahay nyo."


"May plano ka bang sabihin sa kanila?"


"Hindi ako makikialam sa plano mo." Tumingin sa akin si Millie habang inilalapag ko ang snacks sa mesa. "Thank you. Ikaw ang classmate ng pinsan ko? Salamat sa pagpapatira nyo rito kay Janin."

Dear Ex-BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon