Janin

185K 4.7K 479
                                    

Janin

Ang pinakahuling pangyayari na nagpamulat sa mga mata ko na hindi ako kailangan sa pamilya namin ay nangyari noong nine years old palang ako. Pumunta kami sa isang amusement park. Hawak ni Papa at Mama ang magkabilang kamay ng nakababata kong kapatid. Nanatili akong nakatingin sa mga likod nila habang naglalakad. Masaya silang nag-uusap. Naiwan nila ako... ni hindi man lang nila napansin ang pagkawala ko.

"Janin! Bakit tulala ka?"

Hindi ko napansin na nakalapit na pala sa akin si Jammy. Nilalagay namin ang mga gamit namin sa locker at nagpapalit ng damit.

"Natatakot ka ba sa multo?" tanong nya. "Hindi ka rin ba nakatulog katulad ko?"

Napansin kong nangingitim ang ibaba ng mga mata nya. Sinarado ko ang locker ko at humarap sa kanya.

"Sigurado ako na hindi multo yon. Kaya hwag kang mag-alala."

"S-Sigurado ka ba? Alam mo kasi kahit ngayon parang nararamdaman ko ang tingin sa akin ng multo na yon. Nakakatakot talaga!"

Naglakad na kami papunta sa assembly. Hinahampashampas nya sa isang kamay ang hawak na itim at mahabang stick. Tinignan nya kaming apat nang mabuti. Sinuri nya kung may mali sa pananamit at make-up namin.

"Makinig kayong mabuti newbies, may importante tayong bisita na darating mamaya. Kung fan kayo ng mga artistang darating, be professional. Hwag nyo silang susundan, hwag nyo silang kakausapin unless kinakausap kayo. Bawal ang pagkuha ng mga litrato nila. Ayokong may marinig kaming reklamo mula sa mga VIP guests, maliwanag?" seryosong bilin ni Ms Glam.

"Ms Glam sino pong artista?" tanong ni Karen.

"Bukod kay Sir Kean na nasa Presidential Suite, darating din sina Yna Selano, Francis Grant at Siena Aquino."

Wala akong kilala sa mga nabanggit na pangalan ni Ms Glam. Kaya hindi ako magkakaproblema kung nandito man sila. Pero naramdaman ko ang excitement ng mga kasamahan ko.

"Assigned kayo sa 30th floor ngayon. May limang vacant rooms doon, yun lang ang lilinisin nyo. Sa floor na iyon din mamamalagi ang mga bisita natin. Bumalik kayo rito pagkatapos na pagkatapos nyo. Hwag nyo silang hihintayin na lumabas ng mga rooms para makapagpa-autograph o picture. Clear?"

"Yes Ma'am," sagot naming apat.

Binigyan kami ni Ms Glam ng keycards para sa mga kwarto at isa pang keycard para sa elevator. May sariling elevator ang mga staffs ng hotel at kailangan ng keycard para sa mga special floors. Special rooms ang floor na lilinisin namin. Malapit na kasi ito sa mga VIP rooms at bukod doon, may sampung kwarto lang sa floor na ito. May dalawampung kwarto sa ibang floors.

Kinuha na namin ang mga cleaning supplies at pumasok sa elevator. Halos mabingi ako nang sumarado ang pinto dahil sabay sabay silang tumili at naghampasan.

"OMG! Isa pang hottie! Pupunta rin dito si Francis Grant! Makikita ko kaya ang kanyang blue eyes?" sabi ni Karen na mukhang kinakapos sa hininga.

Dear Ex-BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon