Dylan

151K 4K 614
                                    

Dylan

Kanina ko pa pinagmamasdan ang monitor ng computer ko at hinahanap kung saan ang error ng code ng program na ginawa ko. Saan ba ako nagkamali? Bakit ayaw mag-run? Hindi pa ako natutulog dahil sa project na 'to. Puro kape na ang dumadaloy sa katawan ko. Kailangan ko tong tapusin ngayong araw.

"Kuya!!!"

Bumukas ang pinto ng kwarto ko at pumasok ang kapatid kong si Kayleen. Mukhang kakauwi lang nya mula sa date nila ng boyfriend nya. Stab. Pakiramdam ko tumusok sa puso ko sa tuwing naiisip ko na may boyfriend na ang kaisa-isa kong kapatid. Sya ang prinsesa ng pamilya at ngayon... may prinsipe na sya.

Ang bilis ng panahon. Dalaga na nga sya talaga. Ang sakit ng ulo ko.

"Totoo ba?!"

"Ang alin?" Hinubad ko ang salamin ko at hinarap sya ng tuluyan. Kanina pa sumasakit ang mga mata ko dahil sa masyadong pagtutok sa screen ng computer.

"Na may date kayo ni Ashton sa Saturday?!"

"H-Ha?" Mas lalong sumakit ang ulo ko.

"Totoo ba? Totoo ba kuya?!"

Heh. Naisipan kong oras na siguro para makilala ko nang tuluyan si Ashton. Matagal ko na syang kilala pero di ko sya ganoon nakakausap. Bukod sa age gap namin, iba ang mundong ginagalawan namin pareho. Kaya ni minsan hindi kami nag-usap nang matagal. Kapag may family dinner kasama ang pamilya nila, saka lang din kami nagkikita. Kulang ang mga impormasyon na alam ko tungkol sa taong dine-date ng kapatid ko.

"Oo," sagot ko sa kanya. Ang totoo nyan, maglalaro lang naman kami ng computer game ni Ashton. Kailangan ko ng tester sa software na ginawa ko. Kung wala lang trabaho si Kean, sya sana ang papupuntahin ko. Pero busy sya ngayon dahil sa movie. Malayo na talaga ang narating ng kaibigan ko na yon.

"Hwaaaaaa!" Hindi ko alam kung sigaw ba ni Kayleen yon o expression nya. Minsan nakikita ko si Ashleen sa kanya. "Inggit ako! Pwede ba akong sumama?"

"Dito lang naman yon sa bahay Kayleen. Pero hindi ka pwedeng dumikit sa amin. May pag-uusapan kami. Doon ka muna kina Ashleen, mag-bonding kayo."

"Okay. Pero tungkol saan ang pag-uusapan nyo ni Ashton?" Kuminang ang mga mata nya dahil sa curiosity.

Hindi ko pwedeng sabihin sa kanya. "Usapang lalaki sa lalaki," seryoso kong sabi.

Walang kapatid na lalaki si Ashton. Hindi ko alam kung ano ang papanaw nya sa mga bagay bagay. Lumaki naman sya sa maayos at mapag-mahal na pamilya. Pero iba ang mga isip ng kabataan ngayon. Mapusok. Ayokong may mangyari... si Kayleen at sya. Hindi ako papayag. Hindi ko iiwan ang prinsesa namin sa kamay ng isang... lobo. Sobrang sakit na ng ulo ko.

"Pagagalitan mo ba sya kuya?" inosenteng tanong ng kapatid ko.

Dear Ex-BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon