Dylan

99.2K 2.6K 783
                                    

Dylan


Tumayo ako at tinapik siya sa balikat. Sa wakas, torpe no more na ang kaibigan ko. Sa totoo lang, masaya ako na nakahanap na ulit ng babaeng magugustuhan niya si Kean. Ang akala ko hindi parin siya nakakabawi sa nangyari sa kanya noong nasa highschool pa lang kami.


"Kung ano ang desisyon mo Kean, susuportahan kita."


"Thanks Dy—" natigilan siya nang mapansin ang band-aid sa ibaba ng mata ko. Mabilis niya iyong tinanggal. "May pasa ka."


"Ah, ito?" Tinakpan ko ang pasa ko.


Nakita ko na dumilim ang mukha niya.


"Sino?" seryosong usisa niya.


"Oi, Kean, kalma," sabi ko sa kanya. "Wala lang 'to."


"Sino Dylan?" mariin niyang tanong.


Huminga ako nang malalim. Langya. "Nagkita kami ng ex ni Janin kahapon. Inawat ko nang kakausapin niya si Janin. Akala ko stalker eh. Yon, sinuntok ako."


"Okay lang ba si Janin?" nag-aalalang tanong niya.


"Oo, ayos lang siya. Hwag kang mag-alala. Hatid sundo ko na 'yon ngayon sa gate. Kaya tama yan, magtapat ka na sa kanya. Lalo na ngayon, may bumabalik. Baka maunahan ka pa."


Bumuntong hininga siya. "Hindi naman iyon ang inaalala ko." Dinikit niya ulit ang band-aid sa mukha ko. "Mag-ingat ka na sa susunod. Matuto kang umilag, Dylan."


"Ayos ka talaga, sinisi pa ako. Malay ko ba na susuntukin ako non?"


"Gusto mo bang kausapin ko ang dati kong instructor para maturuan ka ng self-defense?"


"Pareho kayo mag-isip ni Ikay. Ganyan din ang sabi sa akin kanina. At magpalagay daw ako ng abs."


"I'll contact my instructor." Kinuha niya ang cellphone niya. Tignan mo 'tong taong 'to, ang bilis.


"Hwag na, di ko na kailangan. May abs na ako!"


"Seryoso?" tumaas ang gilid ng bibig niya.


"Ito o," itinaas ko ang tshirt ko at ipinakita ang natirang marka na iniwan ng pentel.


"Ano yan?" natatawang tanong niya.


"Abs na naka-contour?" pabalik kong tanong. "Langya. Nagtatanong ka pa, boy. May pambura ka ba ng pentel dyan?"


Umiiling siyang tumingin sa akin. "Wait, I'll check." Umakyat si Kean sa hagdan.


Dear Ex-BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon