Janin

80.3K 2.5K 597
                                    

Janin


"Hwaa! Official na! Seniors na tayo!" sabi ni Kayleen habang hawak ang paper ng class schedules namin. "Last year na natin sa college! Malapit na tayong gumraduate!"


Two weeks nalang, start na ulit ng pasukan. May nahanap na rin akong part-time job sa isang convenience store. Isang taon nalang ang hihintayin ko bago makatapos.


"Kayleen, tutuloy ka ba sa France pagkatapos nito?" tanong ko.


"Hmm!" Tumango siya. "Nakausap ko si Dean, pwede raw niya akong irecommend sa isang school doon. Okay naman daw yung mga grades ko eh. Pero kailangan kong mag-submit ng portfolio ng mga recipes na nagawa ko."


Naglakad kami papunta sa cafeteria ng school. Um-order kami ng burgers at iced tea. Naghanap kami ng mauupuan hanggang sa nakita namin ang iba naming kaklase. Okupado nila ang isang mahabang mesa. Kumuha kami ng upuan ni Kayleen at tumabi sa kanila.


"Guys! Naka-enroll na kayo?" tanong ni Mika sa amin, isa sa mga classmates namin.


"Oo," sagot ni Kayleen. "Hinihintay nalang namin si Ashleen na matapos."


"Seniors na tayo! Guys! Ngayon palang kinakabahan na ako pagka-graduate natin. Huhu! Saan na kaya ako pupulutin?" nag-aalalang sabi ni Loraine.


"Sama kayo sa'kin sa Dubai! Nandoon yung mga pinsan ko. May backer tayo sa hotel," sabi ni Kiko.


"Sino naman ang gustong sumama sa'yo?" tanong ni Mika.


"Sumama nalang kaya ako sa'yo, Kayleen? Diretso ka sa France diba?" tanong ni Siobhan.


"Ang layo naman, hindi ka ba malulungkot doon?" usisa ni Kelly.


"Sandali lang naman 'yon eh. Mga two years lang yung course na kukunin ko," paliwanag ni Kayleen.


"May boyfriend ka diba?" tanong ni Kiko. "Siguradong maghahanap 'yon ng iba."


"Bwiset ka Kiko! Hindi lahat ng lalaki, katulad mo," saway sa kanya ni Mika.


"Nag-away na naman ang dalawa," bulong ni Siobhan na katabi ko. "Kayo bang dalawa eh hindi na magkakasundo? Break kayo ng break pero palagi naman kayong magkasama."


"Ito kasing si Mika, ang daming arte. Pakipot pa, mahal naman ako."


"Ayusin mo pagsasalita mo Kiko, sisipain kita sa nguso mo. Gago ka."


"Darating ang araw na mamimiss mo rin ako."


"Che!"


"Hey guuuuuuys!" bati ni Ashleen na palapit sa amin. "Grabe ang init! Ang daming tao! Ang haba ng pila! Ang sakit ng mga paa ko! Ang daming gwapo sa mga first years! Nakita ninyo?"

Dear Ex-BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon