Entry #8

182K 4.9K 221
                                    

Dear Ex-Boyfriend,

Nakita ko itong notebook sa ilalim ng closet ko. Matagal na rin pala akong hindi nakakapagsulat. Four months na rin ang lumipas simula nang mag-break tayo. Nakita nga pala kita sa mall last week kasama ang mga kabarkada mo. Hindi na ako nagulat nang maramdaman kong mahal pa rin kita. Paano ba maka-move on? Ginagawa ko ba ito ng tama? Bakit parang kahapon lang nang mag-break tayo? Ang sakit parin kasi hindi ka na akin. Pero kung iisiping mabuti, hindi ka naman talaga naging akin. Hindi mo naman kasi tuluyang ibinigay ang sarili mo sa akin. Akala ko kapag naging tayo, akin ka na. Hindi pala ganon ‘yon.

Your Ex,

Nin

Dear Ex-BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon