Janin

76.3K 2.4K 578
                                    


Janin


Hindi ko na mabilang kung ilang beses kong tinignan ang cellphone ko. Wala parin siyang reply. Kanina pa 'yon. Okay lang kaya siya? Saan kaya siya dinala ni Yohan? Baka may mangyari na naman sa kanya. Palagi pa naman siyang napapahamak. Lagot ako sa pamilya niya kapag may nangyari sa kanya.


"Hindi mo ba talaga alam kung nasaan sina Yohan?" tanong ko sa kasama kong si Leon.


Hindi niya ako tinignan at nagpatuloy lang sa pagbabasa ng magazine habang nakaupo sa tapat ng cash register machine.


"Kahit na alam ko pa kung nasaan siya, hindi kita dadalhin doon."


Sinabi ko bang dalhin niya ako roon?


"Hindi mo ako kailangan dalhin, kaya ko naman pumunta mag-isa," naiinis kong sabi.


"Hindi iyon ang lugar kung saan pwede kang pumunta mag-isa," sagot niyang di parin tumitingin sa akin. Mukhang wala siyang pakialam sa nangyayari.


"So alam mo nga kung nasaan siya? Kapag may nangyari kay Dylan—"


Bumuntong hininga siya at tinatamad niya akong tinignan. Naramdaman kong kumulo ang dugo ko.


"Walang mangyayaring masama sa kanya. Hindi ganoon kasama si Yohann para ipahamak ang boyfriend mo."


"Hindi ko siya boyfriend!"


"Kung ganon, ano ang relasyon mo sa kanya?" tanong niya na diretso ang tingin sa mga mata ko.


"Kaibigan!" Umiwas ako ng tingin.


Nakita ko sa gilid ng mata ko na ibinaba niya ang magazine na hawak at bahagyang humarap sa akin. Naramdaman ko ang tingin niya.


"Iyon lang? Gusto mo ba siya?"


"H-huh?!" Agad akong napatingin sa kanya.


"Parang girlfriend ka niya kung mag-alala ka."


Ano raw? "Kaibigan ko siya! Hindi ba ako pwedeng mag-alala sa kanya?!"


"Ano ba ang ikinatatakot mo?" kalmado niyang tanong saka humalukipkip.


Hindi siya dapat maimpluwensyahan ni Yohan. Hindi sila pwedeng magkasama. Kinuha ko ang cellphone ko at tinignan kung may reply na siya.


"Hindi masamang tao ang kaibigan ko, Janin."


Napalingon ako sa kanya. "Hindi ko sinabing masama siyang tao, Leon."

"Para kasing pinalalabas mo na may masamang balak sa kanya ang kaibigan ko."

Dear Ex-BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon