Janin

105K 2.7K 550
                                    

Janin


"Kuya, anong nangyari sa likod mo? Sumasakit ba?" tanong ni Kayleen nang makaupo si Dylan sa harap ng lamesa.


Pansin ko nga rin na panay ang hawak ni Dylan sa likod niya.


"Oo, nadulas kasi ako kahapon sa basang sahig ng bahay ni Kea-to! Bahay ni Kito," sabi ni Dylan saka umubo.


Kinuha ko ang pitsel mula sa ref at inilapag sa lamesa saka ako umupo.


"Sino si Kito, kuya? Yung nasa anime ba, Kirito?"


"Hindi! Si Kito, Ikay. Yung bestfriend ko simula highschool. Si Kiiiiito."


"Hindi ko sya kilala," sagot ni Kayleen sa kanya saka sumubo ng pagkain.


"Janin!" tawag sa akin ni Dylan na ikinagulat ko. "Good morning."


"Hm. Good morning," bati ko rin. Nawirdohan ako sa kilos niya, kanina pa kami nasa kusina pero ngayon lang siya bumati.


"Si Kito, Ikay. Nakalimutan mo na?"


Naglagay na ako ng pagkain sa pinggan ko. Simpleng tapa, sinangag at itlog ang breakfast namin ngayon.


"AAH! Si Kito!" malakas na sabi ni Kayleen nakita ko syang tumingin sa akin saglit. "Naalala ko na! Hahaha! Nakalimutan ko. Hehe. Kito. Bestfriend ni kuya."


Parang big deal kay Dylan na maalala ng kapatid niya kung sino si Kito, nakita ko siyang huminga nang malalim.


"Aalis ka ba mamaya, kuya?" tanong ni Kayleen.


"Oo, naiwan ko yung motor ko sa bahay ni Kito. Babalikan ko mamaya."


"Wala palang maiiwan dito sa bahay. Aalis kasi kami ni Janin kasama si Ashleen, magsisimba kami mamaya. Anong oras ka uuwi?"


"Di ko alam, baka daanan ko si Pancho sa bahay nila. May pag-uusapan kasi kaming project."


Matapos naming kumain ng agahan, nagpaalam si Dylan makalipas ang ilang minuto. Naiwan kami ni Kayleen sa bahay pero hindi rin nagtagal at dumating si Ashleen.


"Sissy, I'm here na! Hello Janina!" yakap sa akin bigla ni Ashleen pagkapasok niya sa pinto ng bahay.


May mga dala siyang paperbags.


"Ashleen, ano yan mga dala mo?" tanong ni Kayleen na kakagaling lang sa kusina.


"Ito bang mga ito? Para sa inyo ito ni Janin!" sabi ni Ashleen. Umupo siya sa sofa at ipinakita ang laman ng mga paperbags. "Galing New York yung Ninang ko, kilala mo naman yon diba?" tanong ni Ashleen kay Kayleen.

Dear Ex-BoyfriendDonde viven las historias. Descúbrelo ahora