Janin

87.6K 2.3K 437
                                    


Janin


Kanina pa niya ako tinitignan. Nararamdaman ko na kanina pa niya sinisilip ang mukha ko habang nanonood kami ng movie sa TV. Pangalawang araw na niya ngayon sa ospital. Pwede na raw siyang lumabas bukas. Mabuti nalang at okay na siya. Marami ang nag-alala kagabi dahil dumugo ang sugat niya.


"Sana may ganyan din na pills dito sa Pilipinas. Kung mai-improve non ang brain capacity ko, sigurado na mame-memorize ko na lahat ng recipes na nasa notes ko," sabi ni Kayleen habang nakatingin sa tv. "Hindi ko na malilimutan yung ibang details. Palagi ko na rin perfect ang exams ko. Hindi na rin ako mahihirapan sa math. Hindi ko na rin kailangan ng calculator at dictionary. Tapos mag-aaral ako ng ibang language."


"Hwag kang mag-alala, Ikay. Kapag may nakalimutan ka, ipapaalala ko sa'yo," sabi ni Dylan habang naka-upo sa hospital bed.


"Ang hilig mo talagang mag-joke, kuya. Sa ating dalawa, ikaw yung ulyanin. Matanda ka na kasi."


"Twenty-three palang ako, Ikay. Teka, kailan ba ako nakalimot? Wala naman ganon ah."


"Hindi mo maalala kasi nga nakalimutan mo na. Kuya talaga, makikipagtalo pa sa akin," nakita kong napa-nguso si Kayleen.


"Ano ba ang nakalimutan ko? Kailan nangyari 'yon?"


"Hay kuya, hwag mo nang itanong. Baka hanapin mo na naman sa akin ang pala."


"Aanhin ko ang pala?" nagtatakang tanong ni Dylan.


"Ewan ko sa'yo kuya," mukhang sumusuko na na sabi ni Kayleen.


Kahit ako ay naguguluhan din sa pinag-uusapan nila. Sila lang ang nagkaka-intindihan. Siguro kasi mag-kapatid silang dalawa. Pero parang nakita ko nga dati na nagbubungkal ng lupa si Dylan. Nakalimutan niya siguro ang itatanim niya.


Tumingin ako kay Dylan at sakto na nagkasalubong ang mga mata naming dalawa. Mabilis naman niyang iniwasan ang tingin ko. Kanina pa niya iyon ginagawa. May gusto ba siyang sabihin sa akin?


Tungkol siguro sa ginawa nila ni Kean. Naipaliwanag na niya sa akin ang side niya. Kahapon, pumunta kami sa isang coffee shop na malapit sa ospital. Doon niya ipinaliwanag sa akin ang lahat.


"I asked for his help, you see," umpisa ni Kean nang ilapag niya ang cup ng coffee sa lamesa matapos niyang uminom. "So don't be mad at him. Please."


"Bakit? Bakit ako? May kailangan ka ba sa akin?" tanong ko. Pinaglaruan ko ang cup na hawak ko. "Inutusan ka ba nina Mama para bantayan ako?"


"Hindi ganon 'yon." Huminga siya nang malalim. "Gusto kita, Janin. I wanted to be closer to you so I asked for his help. Coincidence lang ang lahat. Noong nalaman ko panganay na anak ka ng mga Emiliano, I was both surprised and happy. I was really happy to see you that day, Janin. I thought it was going to be a boring day for me."

Dear Ex-BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon