Kayleen

150K 5K 612
                                    

Kayleen

“Ano pala yung itatanong mo sa’kin kuya Kean?”

“Tungkol dito,” pinakita nya ang isang pink na journal.

“Journal ba yan?” tanong ko. Bakit pink kuya Kean? Don’t tell me... sila ni kuya Dylan ay...

Naningkit ang mga mata ni kuya Dylan sa akin. “Bakit ganyan ka makatingin Kayleen? May iniisip kang weird no?”

“W-Wala! Wala!” uminom nalang ako ng juice at sumubo ng cake.

“Hinahanap ko ang may-ari nitong journal.” Ahh.

“Paano mo ba nakuha yan kuya Kean?” tanong ko.

“Oo nga Kean, saan mo ba nakuha yan?”

“Six months ago, nakuha ko ‘to sa mula sa mga regalo sakin. Nanggaling ang mga regalo na yon sa isang meet and greet. Nakita ko itong nakalagay sa isang paperbag kasama ang isa pang regalo. I tried to locate the person who gave it to me. Pero ang sabi ng taong nagbigay ng regalo, wala syang natatandaan na nilagay nya ito sa paperbag. Wala rin syang kilalang Nin.”

“Ano ba ang laman ng journal kuya Kean?”

“Mga sulat para sa ex boyfriend nya.”

“EHH?! Ex?” OMG! Parang familiar...

“Bakit Kayleen? May kakilala ka bang sumusulat sa ex nya?” tanong ni kuya Dylan.

“A-ah. Wala. May naalala lang ako sa mga letters at boyfriend.” Medyo relate ako. Pero hindi sa past ang setting ng akin kundi sa future.

“Kaya pinapunta kita rito Kayleen, dahil nandito ang pangalan mo. At ikaw lang ang clue kung paano ko mahahanap ang babaeng may ari nitong journal.”

“Nakasulat ang pangalan ko? Pwede ko bang basahin yan?”

“Pwede rin namang hindi ikaw ang Kayleen na tinutukoy nya,” sabi ni kuya Dylan.

Inabot sa akin ni kuya Kean ang journal. Binasa ko ang entry nya na nakasulat ang pangalan ko. Debut. Pwedeng ako nga ang Kayleen dito dahil sa debut ko, pero pwede rin namang hindi. Napahawak ako sa dibdib ko nang matapos kong basahin. Nag-init ang mga mata ko. Bakit? Bakit sobrang lungkot nya? Sobra akong nalulungkot para sa kanya. Sobra syang nasaktan. Ito rin ba ang dahilan kung bakit sya hinahanap ni kuya Kean?

“Para syang si Cinderella, pero imbes na sapatos ay journal ang naiwan nya. Kaya ngayon hinahanap sya ni Prince Kean,” sabi ni kuya Dylan.

“Lahat ba ng entries nya, ganito kalungkot kuya Kean?” tanong ko habang tinitignan ang journal na hawak ko. Hindi ko kayang basahin. Kung ako nga ang Kayleen na nakasulat dito, parang may malaking kasalanan ako sa kanya.

“Yung iba, oo.”

“Nin. Nin,” sambit ko. May kilala ba akong Nin? Naitanong na sa akin ito ni kuya Dylan dati pero wala akong maalalang Nin. Nickname? Nin. Nin. Nina? Sya ba? “May kakilala akong Nina pero hindi ako sigurado kung sya nga.”

“Nina?” ulit ni kuya Kean.

“Si Nina? Yung pinsan natin na si Nina?” tanong ni kuya Dylan.

“Pero kasi kuya Kean...” nakagat ko ang ibabang labi ko.

“May problema ba?” tanong nya.

“Alam mo kasi Kean, nasa high school palang si Nina,” paliwanag ni kuya Dylan. “Isa rin sya sa mga umattend ng debut ni Kayleen.”

Natahimik kaming tatlo.

“Pero ang sabi rito, kaibigan ko raw sya.” Nin. Hindi kaya sya si... Teka, siguro sya nga. Hiwalay na sya sa boyfriend nya sa pagkakatanda ko. Baka sya nga.

“May naalala ka na Kayleen?” tanong ni kuya Kean.

Tinignan ko sya. “Hindi ako sigurado kuya Kean. Pero sa tingin ko may isa pa akong Nin na kilala. Malaki ang pagkakahawig ng kwento nila.”

“Seryoso?” di makapaniwalang tanong ni kuya Dylan.

“Sino sya Kayleen?”

“Si Janin.”

Dear Ex-BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon