Janin

118K 2.9K 563
                                    



Janin


May ilang bagay akong napapansin sa employer ko. Una, palagi siyang nakangiti sa akin. Alam ko na artista siya at sanay siya na ngumiti palagi pero, hindi ba sumasakit ang pisngi niya? Pangalawa, mas madalas na nauubos ang oras ko na kausap siya kaysa sa paglilinis. Wala naman kasing nakakalat sa bahay na ito. Hindi ko rin kailangan labahan ang mga damit niya. Pangatlo, palagi niya akong pinapanood kapag nasa kusina ako. Tinitignan ba niyang mabuti ang ginagawa ko? Iniisip kaya niyang may ihahalo ako sa pagkain niya? Kung hindi naman iyon, bakit siya nakabantay sa akin? Naaalala kaya niya ang Mama niya sa akin kapag nasa kusina ako? O baka naman, isa siya sa mga tao na ayaw mapag-isa at palaging naghahanap ng kasama.


"Malapit na akong matapos," tukoy ko sa niluluto ko. "Pagkatapos nito, may ipapagawa ka pa ba?" tanong ko kay Kean.


Nakapangalumbaba siya sa lamesa habang nakatingin sa akin. May naglalarong ngiti sa kanyang mga labi.


"May pupuntahan tayo mamaya."


"Saan?"


"You'll see."


Tumingin ako sa digital clock na nakadikit sa ref. "Hanggang ano'ng oras mo ako kailangan ngayon?"


"May gagawin ka ba ngayong araw?"


"May activity kasi ngayon sa subdivision. Kailangan kong sabihin sa kaibigan ko kung anong oras ako makakauwi," paliwanag ko.


Nakita ko ang kuryosidad sa mga mata niya. "What kind of activities?"


"Hindi rin ako masyadong pamilyar sa activity nila. Pero sa pagkaka-alala ko, may contest at barbeque party doon."


"You want to go?"


"Okay lang naman sa akin kung hindi. Uunahin ko parin ang trabaho ko."


"You're really hardworking, Janin."


"Kailangan kasi. Kung hindi ako magtatrabaho, wala akong ipambabayad sa tuition at apartment ko."


"Lilipat ka na?"


"Hindi naman ako pwedeng doon nakatira habangbuhay."


"Why not? Hindi ka naman nila pinapaalis."


Umiling ako. "Gusto kong masanay na maging independent. Kung doon ako titira, mas mabuti pa siguro na umuwi nalang ako sa amin."


"Ah, I understand."


Naalala ko na nandoon nga pala siya sa party nang mangyari ang gulo.


"Sorry, hindi mo na dapat pang nakita yung nangyari sa party."


Dear Ex-BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon