Janin

91K 2.4K 651
                                    


Janin

Two and a half years ago



"I don't understand, bakit ba siya iyak nang iyak? What a drama queen," narinig kong sabi ng isa sa mga pinsan ko sa likod ko.


"Attention seeker," sabi ng isa pa.


Narinig kong tumawa sila.


"Siguro ang saya na ng Nanny niya ngayon. Hindi na niya kailangan pang mag-alaga ng isang..."


"Sino ba kasi ang gustong mag-alaga sa isang katulad niya?"


"Kahit na sa main family pa siya nagtatrabaho, isang ampon naman ang inaalagaan niya. What a disgrace!"


Muli silang tumawa. Naramdaman kong bumaon ang mga kuko ko sa aking palad sa higpit ng pagkakasarado nito. Pinunasan ko ang luha ko at inayos ang sarili ko. Hindi na ako nasanay.


Nang lumapit sa akin si Mama ay bigla silang tumahimik. Umupo si Mama sa tabi ko, dumating din si Gio at umupo sa kabilang side ni Mama. Dumating ang pari at inumpisahan na ang pagbasbas sa kabaong ng taong kinilala kong pangalawang ina.


***


Matapos ang libing, sinabi ko kay Mama na makikipagkita ako sa mga kaibigan ko. Nang marinig niya iyon, nakita kong nakahinga siya nang maluwag. Iniisip siguro niya na sa ganitong paraan mababawasan kahit papaano ang sakit na nararamdaman ko.


Pero nagsinungaling ako sa kanya. Ang totoo ay gusto ko lang tumakas. Ayokong umuwi sa bahay habang nandoon pa ang mga pinsan ko. Hindi ko kayang marinig pa ulit ang mga sasabihin nila.


Napunta ako sa isang coffee shop na malapit sa lake. Umupo ako sa tapat ng bintana kung saan natatanaw ko ang lawa.


Naalala ko ang bilin sa akin ni Nana. Kailangan kong magpakatatag at alagaan ang sarili ko. Ngayong wala na siya, mas lalo kong naramdaman na mag-isa nalang ako. Siya ang naging sandalan ko sa mga problema ko.


"If you're going to cry, don't do it in public."


Nagulat ako sa taong nagsalita bigla sa tabi ko. Napalingon ako sa kanya at napatingala sa kanyang mukha. Bigla akong natigilan nang makita ko ang mga mata niya. Tila nanghahamon ang mga iyon.


"Do you like being pitied by strangers?"


"Hindi naman ako umiiyak." Napahawak ako sa pisngi ko at nagulat nang maramdamang basa ito.


Ngumisi siya at ramdam kong nanliit ako. "Here," sabi niya saka nag-abot ng panyo.


Tinitigan ko iyon nang ilang segundo saka ko siya muling tinignan. Sino ba ang taong ito?


Dear Ex-BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon