Janin

181K 4.6K 474
                                    

Janin

“Janin, Rochel, Karen and Jammy kayo ang in-charge sa buong eleventh floor ngayon,” anunsyo ng aming supervisor.

“Eleventh floor?” bulong ni Karen.

“Good luck guys!” narinig kong sabi ng ibang grupo sa amin.

Nararamdaman ko ang mga tingin nila sa amin.

“Ms Glam, pwede po bang lumipat ng group?” tanong ni Jammy.

“Hindi pwede,” istriktong sabi ni Ms Glam habang inaayos ang salamin nya sa mata. “Pumunta na kayo sa mga floors kung saan kayo naka-assign.”

“Yes Ma’am.”

Kinuha ng mga magkaka-grupo ang mga gagamitin sa pag-lilinis ng mga kwarto. Nang makuha namin ang amin ay kaagad kaming dumiretso sa floor na aming lilinisin.

“Good luck talaga sa atin sa floor na ‘to,” sabi ni Karen na nag-sign of the cross.

“Akala ko makakatapos tayo ng OJT nang di ito pinupuntahan,” sabi ni Rochel.

“Ayokong pumasok sa mga rooms!” saad ni Jammy.

“Mas nakakatakot ang hallways Jam,” sabi ni Karen.

“Bakit? Ano ba ang meron sa floor na ‘to?” tanong ko.

“Alam mo kasi Ja—” natigilan sa pagsasalita si Jammy nang takpan ni Karen ang bibig nya.

“Mas maganda kung di mo alam,” sabi ni Karen.

“Hahatiin natin ang group sa dalawa. Kami nalang ni Janin ang partner at kayo ni Jammy, Karen,” sabi ni Rochel.

“Okay! Kami ang bahala sa mga A rooms at kayo sa B,” sagot ni Karen.

Humiwalay na sa amin sina Jammy at Karen. Tinignan ni Rochel ang hawak nyang papel.

“Walang naka-check in sa floor na ito. Kaka-out lang nila kahapon. Mukhang sikat talaga ang floor na ‘to ah. Hahaha!”

“Ano ba talaga ang meron sa floor na ‘to?” tanong ko.

“Hehe. Baka matakot ka kapag nalaman mo. Hehehe,” weirdong tawa ni Rochel.

Lumapit kami sa unang kwarto na lilinisin namin. Nilabas ni Rochel ang keycard para mabuksan ang pinto. In-on namin ang mga ilaw.

“Wow! Ang ganda naman ng kwarto rito!” saad nya. “Kaya lang sayang kasi wala naman may gustong mag-overnight stay dito.”

“May multo ba rito?” tanong ko.

“Sshhh!!!” saway ni Rochel habang nakalagay ang kanyang hintuturo sa kanyang labi. “Baka marinig ka nila. Ayaw nilang tinatawag silang ganyan. Mas lalo silang nagpaparamdam.”

Dear Ex-BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon