Janin

115K 3.2K 511
                                    

Janin


"Tara kina Ashleen, Janin!" yaya sa akin ni Kayleen matapos naming mananghalian.


"Aalis na naman kayo?" tanong ni Dylan na lumingon sa amin. Nakasuot sya ng apron at naghuhugas ng pinggan.


"Syempre kuya, bakasyon kaya dapat sulitin. Bakit di ka nalang sumama?"


"May trabaho pa ako," sagot nya habang nakatalikod sa amin.


"Labas ka naman ng bahay kuya."


"Diba kalalabas lang natin kahapon?"


"Pero iba yon. Kailan ka ba huling nakipagkita sa mga kaibigan mo?"


"May trabaho rin sina Pancho. May gagawin kaming bagong project."


"Ay ganon ba? Ang yaman mo na kuya, manlibre ka ulit ng sine."


"Sige. Kapag break na kayo ni Ashton. Lilibre kita, pati ice cream at cake. Lagyan ko narin ng kandila para sa namatay nyong pag-ibig," aniya saka tumawa nang malakas.


"Hindi kami magbe-break!" tumayo na si Kayleen at hinila ako palabas ng kusina. "Tayo na nga, iwan na natin si kuya. Kainis talaga yun."


"Nandoon ba ang banda?"


Tumango si Kayleen. "Doon sila magpa-practice ngayon. Tutugtugin nila yung bago nilang kanta. Tsaka sabi ni Ashton, may event daw silang pinaghahandaan eh."


Agad akong nag-alinlangan na sumama. Makikita ko na naman si Gio.


"Sorry Kayleen. Pass muna ako ngayon."


"Bakit?"


"Gusto ko lang muna na..." mabilis akong nag-isip ng dahilan. "Mag-isip kung saan ako ulit mag-aapply. Medyo matagal na kasi akong nagpasa ng resume pero wala parin reply. Hahanap narin ako ng lilipatan. Hindi naman pwedeng nandito ako habangbuhay. Nakakahiya na sa inyo."


"Pero Janin..." nag-alinlangan sya sa sasabihin nya. Hinawakan nya ang dalawa kong kamay at tinignan akong mabuti. "Naiintindihan ko. Sanay ka na maging independent Janin. Isa yan sa mga bagay na hinahangaan ko sa'yo. Pero sana hayaan mo rin na tulungan kita. Kapag alam kong safe ka na, naayos mo na ang lahat, tutulungan kitang maghanap ng malilipatan. Pero sa ngayon, dito ka muna sa amin."


"Sorry," ang tanging nasabi ko sa kanya. Sorry kasi kailangan pa nya akong alalahanin.


"Para saan?"


Umiling ako. "Salamat Kayleen."


Ngumiti sya. "Kaibigan mo ako Janin. Walang anuman."


Dear Ex-BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon