Entry #6

230K 5.3K 219
                                    

Dear Ex-Boyfriend,

Alam mo ba kung bakit ako nakipag-break sa’yo? Hindi mo siguro ‘yon nakita kasi kakabalikan lang natin. Pero nakipag-break ako sa’yo matapos kong umattend ng debut ng kaibigan at kaklase kong si Kayleen. Doon ko nakita na, maraming pwedeng magbigay ng ibat-ibang klase ng pagmamahal sa iisang tao lang. Naiinggit ako sa kanya dahil maraming nagmamahal sa kanya. Gusto ko ‘yong maranasan pero alam kong hindi ko ‘yon makukuha sa’yo. Kaya naman gusto ko munang mahalin ang sarili ko. At kapag mahal mo ang isang tao, hindi mo sila hahayaang masaktan hindi ba?

Your Ex,

Nin

Dear Ex-BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon