Dylan

76.8K 2.4K 1.2K
                                    


Dylan


"Kuyaaaa!" malakas na tawag sa akin ni Ikay mula sa labas ng kwarto ko.


Agad akong napatigil sa ginagawa kong pag-aayos ng system. Mabilis akong tumayo mula sa swivel chair at lumabas ng kwarto para sagipin ang kapatid ko mula sa kung ano'ng invisible ninja na gustong manakit sa kanya.


"Ikay! Nasaan ka Ikay?!" tawag ko sa kanya pero hindi ko siya makita kahit saan. Shit! Nahuli ako ng dating. Hindi ko siya nasagip! "Ikaaaaay!"


"Kuya!" tawag niya. Nakita kong sumilip ang ulo niya mula sa pintuan ng banyo.


Shit. Ano ang nakita niya sa banyo namin?


"Ikay! Bakit mo ako tawag? May gagamba ka na naman bang nakita?"


"Hindi kuya, nakalimutan ko yung shampoo," sabi niya.


"Ah?"


"Yung shampoo, kuya. Paabot naman, nasa drawer sa kusina."


Bumagsak ang balikat ko at nawala ang tensyon sa katawan ko. Shampoo. Napahawak ako sa batok ko. Pumunta ako sa kusina para kunin ang shampoo at ibinigay sa kanya. Kinusot ko ang mga mata kong sumasakit na.


"Thanks kuya!"


Tumalikod na ako at umupo sa sofa. Napahinga ako nang malalim nang makita ang oras. Nakalimutan ko palang matulog. Hindi ko namalayan na may araw na. Hindi talaga maganda kapag tinatakpan ko ang bintana ko sa kwarto. Hindi ko alam kung umaga o gabi na. Pero kung hindi ko naman iyon tatakpan, masisilaw ang mga mata ko tuwing gigising ako.


Biglang tumunog ang doorbell namin. Lumabas ako ng bahay para tignan kung sino ang nasa may gate. Doon ko nakita ang isang maliit na babae na may cat ears.


Kilala ko iyon ah. Si... AH! Tumakbo ako papasok ng bahay at kinatok si Ikay sa banyo.


"Ikay! Ikay!"


"Ano 'yon kuya? Mamaya ka na! Malapit na akong lumabas!"


"May bisita tayo! Yung idol mong palagi mong ginagaya ang boses pero pumipiyok ka naman! Si... ano!" Inisip ko ang pangalan niya pero hindi ko matandaan. Nagsisimula sa letrang A at nagtatapos din sa letrang iyon ang pangalan niya. "Ara? Acacia? Alkansya...?"


"Sino kuya?" tanong niya na lumabas na ng banyo at pinupunasan ng twalya ang buhok.


"Yung babaeng pusa!"


Kunot noo niya akong tinignan. "Kuya, di ka na naman natulog, no?"


Hinila ko siya sa braso patungo sa pinto. "Ayaw mo pang maniwala, e."


Dear Ex-BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon